Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

YouVersion Patakaran sa Pribasya

Huling binago noong Abril 2, 2020

Tulad ng nabanggit sa patakaran sa ibaba, ang bersyon ng Patakaran sa Pribasya at Mga Tuntunin sa Paggamit sa wikang Ingles ang mamamahala sa iyong relasyon sa YouVersion. Bagama't ang bersyon sa Ingles ang mamamahala, maaari ka ring gumamit ng isang awtomatikong tagapagsalin na kagamitan tulad ng Google Translate upang makita ang mga dokumento sa iyong wika. Anumang karagdagang mga pagbabago ay ipo-post sa pahinang ito.


Mahalaga: Mangyaring Basahin Muna Ito

Ang ating mga buhay ay puno ng pamilya, trabaho, mga tungkulin sa lipunan, at iba pa. Marami sa atin ay umaasa sa mga smartphone at iba pang device upang tulungan tayo sa ating mga pang-araw-araw na tungkulin at pakikipag-ugnayan.

Noong 2006, bilang isang dinamiko at aktibong pamayanan ng pananampalataya, sinimulang tuklasin ng Life.Church ang mga paraan upang matulungan ang mga tao na samantalahin ang mga umuusbong na teknolohiya upang maranasan ang Biblia sa mga paraang ikababago ng kanilang buhay. Ito ang nag-udyok sa amin na likhain ang Bible App ng YouVersion, isa sa unang 200 na libreng app sa App Store ng Apple noong ito ay inilunsad noong 2008.

Habang parami nang parami ang mga nagsimulang gumamit ng YouVersion, napagtanto namin ang halaga ng pagtulong sa mga tao na tuklasin ang pananampalataya sa isang pamayanang may katulad na adhikain na palaguin ang kanilang relasyon sa Diyos sa isang ligtas na paraan.

Ang YouVersion ay higit pa sa sa isang elektronikong mambabasa na nagpapahintulot sa iyo na basahin ang Biblia sa iyong telepono. Ang bawat produkto at serbisyo na aming ibinibigay, ay ginagawa namin nang may pag-iingat at intensyon, idinidisenyo ang bawat tampok upang matulungan kang magpatuloy ng isang mas malalim na relasyon sa Diyos, at upang tuklasin ang iyong mga katanungan sa pananampalataya sa isang ligtas na lugar, lahat sa loob ng konteksto ng isang pinagkakatiwalaang pamayanan ng iyong pinili. Kaya ikaw ang may desisyon kung ano ang nais mong i-access. Maaari mong piliin kung ano ang nais mong ibahagi, at kung kanino. Sa iyo ang iyong datos. Hindi ipinagbibili ng YouVersion ang iyong impormasyon, ni ibabahagi namin ito sa iba nang wala ang iyong pahintulot.

At, ang bawat aspeto ng YouVersion na aming inihahandog, ay ibinibigay namin nang libreng-libre, walang kapalit at walang pagpapatalastas: libre sa mga indibidwal na gumagamit, at libre sa aming mga kasosyo sa Biblia at nilalaman. Paano namin ito nagagawa? Bilang isang digital na misyon ng Life.Church, ang malaking bahagi ng YouVersion ay itinataguyod mula sa pangkalahatang badyet ng Life.Church at sa pamamagitan din ng mga kontribusyon mula sa mga indibidwal na mga gumagamit na nagnanais lumahok sa aming misyon na tumulong sa mga tao na magamit ang teknolohiya upang maranasan ang Biblia at makita ang mga buhay na nagbago.

Mangyaring basahin nang mabuti itong Patakaran sa Pribasya dahil tinatalakay nito kung papaano namin kokolektahin, gagamitin, ibabahagi, at ipoproseso ang iyong personal na impormasyon.

Mga Nilalaman

Maikling Buod

Sa pag-access ng YouVersion ikaw ay sumasang-ayon sa Patakaran sa Pribasya na ito at sa mga tuntunin at pahintulot na ang iyong datos ay inililipat at pinoproseso sa Estados Unidos. Ang iyong paggamit ng YouVersion ay pinamamahalaan ng aming Mga Tuntunin sa Paggamit. Mangyaring basahin rin ang mga iyon nang mabuti.

Narito ang buod ng kung ano ang maaari mong asahang mahanap sa aming Patakaran sa Pribasya at Mga Tuntunin sa Paggamit, na sumasakop sa lahat ng mga produkto at serbisyo ng YouVersion:

Paano namin ginagamit ang iyong datos upang gawing mas personal ang iyong karanasan sa YouVersion.

Ang Patakaran sa Pribasya na ito ay nagbabalangkas ng mga uri ng datos na aming kinokolekta mula sa iyong pakikipag-ugnayan sa YouVersion, pati kung paano namin pinoproseso ang impormasyong iyon upang mapahusay ang iyong karanasan sa YouVersion. Kapag lumikha ka ng isang account sa YouVersion o gumamit ng alinman sa aming mga aplikasyon o site, ang impormasyong kinokolekta namin ay para sa layuning makapaghandog ng isang mas personal na karanasan.

Protektado ang iyong pribasya.

Pinahahalagahan namin at hindi ginagawang biro ang pribasya ng impormasyon na iyong ibinibigay at aming kinokoleta at nagpapatupad kami ng mga pananggalang sa seguridad na idinisenyo upang protektahan at pangalagaan ang iyong datos tulad ng tinatalakay sa ibaba. Hindi naming ipinagbibili ang iyong personal na datos ng pagkakakilanlan sa aumang third-party advertiser o mga ad network para sa kanilang mga pagpapatalastas o pag-aanunsiyong layunin.

Ito'y iyong karanasan.

Mayroon kang mga pagpipilian tungkol sa kung papaano ang iyong personal na impormasyon ay maaaring i-access, kolektahin, ibahagi, at itago ng Life.Church, na tinatalakay sa ibaba. Gagawa ka ng mga pagpipilian tungkol sa aming paggamit at pagproseso ng iyong impormasyon sa unang pagkakataong makipag-ugnayan ka sa YouVersion at kapag nakilahok ka sa ilang functionality ng YouVersion at maaari ka ring gumawa ng ilang pagpipilian sa menu ng mga setting ng iyong account sa iyong YouVersion Member account o sa https://my.bible.com/setting.

Malugod naming tinatanggap ang iyong mga tanong at komento.

Malugod naming tinatanggap ang anumang katanungan o komento na maaaring mayroon ka tungkol sa Patakaran sa Pribasya na ito at sa aming mga gawain ukol sa pribasya. Kung mayroon kang anumang katanungan o komento, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa: Life Covenant Church, Inc., attn.: YouVersion Support, 4600 E. 2nd St., Edmond, Oklahoma 73034 o sa help@youversion.com.

Kung saan binigyan ka ng YouVersion ng ibang salin maliban sa Ingles na Patakaran sa Pribasya, sumasang-ayon ka na ang salin na ito ay para lamang sa iyong kaginhawaan at tanging ang Ingles na bersyon lamang ng Patakaran sa Pribasya ang namamahala ng iyong ugnayan sa YouVersion. Kung mayroong anumang pagkakasalungatan sa pagitan ng Ingles na bersyon ng Patakaran sa Pribasya at sa tinutukoy ng salin, ang bersyon ng Ingles ang mananaig.


Mga Depinisyon

Upang gawing mas madaling basahin ang dokumentong ito, gagamit kami ng ilang mga pinaikling termino sa kabuuan. Halimbawa, kapag binanggit namin ang "YouVersion," kami ay tumutukoy sa:

Ang mga produkto ng YouVersion ay pagmamay-ari at pinatatakbo ng Life Covenant Church, Inc., kung saan ay tutukuyin namin bilang "Life.Church," "kami," o "namin" sa buong patakarang ito. Pinapayagan namin ang paggamit ng YouVersion ng mga hindi rehistradong gumagamit, na tatawagin naming "Mga Bisita," pati na rin ang mga rehistradong gumagamit, o "Mga Miyembro." Kapag tinukoy namin ang pareho sa patakarang ito, gagamitin namin ang terminong "Mga Gumagamit," "Mga User," "ikaw," o "mo."


Impormasyong Kinokolekta Namin at Kung Paano Namin Ito Kinokolekta

Ang impormasyon na kinokolekta namin ay nakasalalay sa mga serbisyo at functionality na iyong ninanais. Maaari kang tumanggi upang magsumite ng personal na impormasyon sa amin; gayunpaman, maaari itong humadlang sa amin na magkaroon ng kakayahang magbigay sa iyo ng ilang serbisyo o functionality ng YouVersion. Ang personal na impormasyon na kinokolekta namin at ang layunin kung saan ginagamit namin ang impormasyong iyon ay nakasaad sa ibaba.

Personal na Impormasyon na Ibinibigay Mo sa Amin.

Hindi mo kailangang mag-sign up para sa isang Membership account upang magamit ang YouVersion. Gayunpaman, sa pamamagitan ng Membership o Pagiging Kasapi ay nagagawa naming iakma ang YouVersion na mas maging isang pansariling karanasan. Upang makagawa ng YouVersion Membership account, kinakailangan namin na magbigay ka ng isang pangalan, apelyido, at isang wastong email address. Gagamitin namin ang impormasyong ito upang iugnay sa iyo ang iyong partikular na YouVersion Member account. Matapos mong lumikha ng isang YouVersion Member account, maaari mo ring piliin na ibigay ang iyong kasarian, edad, website, paglalarawan ng iyong lokasyon, isang maikling talambuhay, isang larawan ng profile, at iba pang impormasyon na nais mong ibigay. Ang lahat ng ito, kung iyong ibinigay, ay maiuugnay din sa iyong account.

Higit sa mga personal na impormasyon na kinokolekta namin upang lumikha ng isang Member account, ay mayroon kang mga pagpipilian kung nais mong magbigay ng karagdagang impormasyon sa amin. Kinokolekta namin ang iyong personal na datos mula sa iyo kapag ibinigay mo ito, ipinost o inupload mo ito sa YouVersion. Hindi mo kinakailangang ibigay ang mga ganitong impormasyon; gayunpaman, kapag pinili mong hindi, maaaring malimitahan ang aming kakayahang isapersonal ang YouVersion at ang iyong kakayahang malubos ang paggamit ng YouVersion. Ang mga tiyak na functionality ng YouVersion na kung saan maaari mong ibigay ang iyong impormasyon na aming kokolektahin ay nakasaad sa ibaba.

Ang Iyong Mga Kontribusyon ng User.

Pinapahintulutan ng YouVersion ang mga gumagamit na ilathala, ipamahagi, at ipakita ang ilang nilalaman (tinutukoy namin iyon bilang "na-post" o "ipinost" at ang nilalaman bilang "mga post"). Maaaring magawa ang mga post sa mga pampublikong lugar ng YouVersion, website, at mga social media account na iyong naa-access sa pamamagitan ng YouVersion, o ipinadala sa ibang mga gumagamit ng YouVersion o mga third party na pinili mong gamitin sa ibang platform o serbisyo. Halimbawa, kasama nito ang pagkomento sa post ng isang kaibigan o paglikha at pagbabahagi ng isang Bersikulong Larawan. Pinapahintulutan ka rin ng YouVersion na lumikha ng ilang nilalaman na mapapanatili sa iyong account, tulad ng Tala o Bookmark ng isang talata sa Biblia, na kung saan ang ilan ay maaari mo ring i-post upang maibigay sa iba. Tatawagan namin ang lahat ng mga nilalaman na iyong nilikha, nai-post man o hindi, bilang "Mga Kontribusyon ng User."

Ang Iyong Mga Kontribusyon ng User ay pinoproseso namin upang mapadali ang iyong kakayahang magamit, maitago, at maipamahagi ang Kontribusyon ng User ayon sa iyong nais. Inuugnay namin ang iyong Mga Kontribusyon ng User sa iyong account hangga't pinipili mong huwag tanggalin ang mga ito. Mangyaring tandaan na kung ibubunyag mo ang personal na impormasyon sa isang pampublikong pamamaraan, sa pamamagitan ng mga sama-samang post, social media, message board, o iba pang mga pampublikong online forum, ang impormasyong ito ay maaaring makolekta at magamit ng iba.

Ang Mga Kontribusyon ng User ay ipinopost at ipinapadala sa iyong sariling kapakanan

. Hindi namin makokontrol ang mga pagkilos ng ibang mga gumagamit o mga third party na pinipili mong bahaginan ng iyong Mga Kontribusyon ng User. Samakatuwid, hindi namin kayang masiguro at hindi namin ginagarantiyahan na ang iyong ibinahaging Mga Kontribusyon ng User ay hindi makikita o magagamit sa isang hindi awtorisadong paraan, at hindi rin kami tumatanggap ng anumang pananagutan kaugnay ng iyong Mga Kontribusyon ng User.

Mga Donasyon at Pagbibigay.

Kung pinipili mong magbigay nang isang kusang-loob na donasyon sa pamamagitan ng YouVersion o isang third-party website na naka-link sa YouVersion, sa pagkakataon na ito at iyon lamang ang pagkakataon na ikaw ay hihilingan na magbigay ng credit card, bank account, at iba pang impormasyon sa pagbabayad na kinakailangan upang maproseso ang transaksyon. Kinokolekta namin ang pagtatalaga para sa iyong donasyon, kung magbibigay ka ng isa, pati na rin ang personal na impormasyon tulad ng iyong pangalan, address, numero ng telepono, at/o email address upang matiyak na ang iyong donasyon ay gagamitin lamang para sa hangaring iyong hiniling at upang mabigyan ka namin ng "Taunang Ulat ng Pagbibigay" na naglilista ng iyong (mga) donasyon para sa mga layunin ng buwis o iyong personal na paggamit. Hindi kami magtatago o kung hindi man ay magpoproseso ng impormasyong pampinansyal na ibinigay sa amin online para sa mga layunin ng pagbigay ng donasyon. Alinsunod sa petsa ng Patakarang ito, gumagamit kami ng Stripe o PayPal upang iproseso ang iyong mga pagbabayad sa online na donasyon. Para sa impormasyon kung paano pinoproseso ng mga third party na ito ang iyong impormasyon, mangyaring sumangguni sa kanilang mga patakaran sa pribasya, na maaaring matagpuan dito: https://stripe.com/privacy; https://www.paypal.com/us/webapps/mpp/ua/privacy-full.

Mga Komunikasyon Mo sa Amin.

Kinokolekta namin ang mga impormasyong tungkol sa iyo kapag ikaw ay nagpapadala, nakatatanggap, o nakikipag-ugnayan sa mensahe sa amin, kabilang na rito ang iyong pagbigay ng personal na impormasyon o mga kahilingan sa pag-email sa help@youversion.com sa website na help.youversion.com. Itinatago namin ang mga komuniksyong iyon upang iproseso ang iyong mga katanungan, tugunan ang iyong mga kahilingan, at pagbutihin ang YouVersion at ng aming mga serbisyo.


Mga Teknolohiya sa Awtomatikong Pagkolekta ng Datos

Sa pagsang-ayon sa aming Patakaran sa Pribasya, sumasang-ayon ka sa paggamit ng mga cookie at mga katulad na teknolohiya (tulad ng web beacon, pixel, tag, at mga device identifier na aming tinutukoy bilang “mga cookie”) na inilalarawan sa patakarang ito. Kung gagamitin mo ang YouVersion nang hindi binabago ang mga setting ng iyong browser o device upang i-disable ang mga cookie, ipapalagay naming pumapayag kang makatanggap ng lahat ng mga cookie mula sa YouVersion.

Mga Cookie at Iba pang Magkatulad na Mga Teknolohiya.

Gumagamit kami ng mga cookie upang makilala ka at/o ang iyong (mga) device sa loob, sa labas, at sa iba pang mga application ng YouVersion. Ang mga cookie ay tumutulong na maibigay sa iyo ang pinakamahusay na user experience o karanasan ng YouVersion habang binibigyan nila kami ng kakayahan upang makilala ka at mapanatili ang iyong mga kagustuhan o user preference mula sa isang sesyon patungo sa isa, na tumutulong sa aming mapanatili ang iyong account na ligtas, at pangkalahatang pinagpapabuti ang mga functionality ng mga produkto at serbisyo na inihahandog sa pamamagitan ng YouVersion. Tinutulungan rin kami ng mga ito na masiguro na ang impormasyon ng Miyembro na gamit ay nakaugnay sa tamang account ng Miyembro. Ang mahalaga,

HINDI

kami gumagamit ng mga cookie o magkatulad na mga teknolohiya upang mangasiwa ng mga patalastas batay sa interes ng mga paninda o serbisyo ng third-party.

Ginagamit namin ang cookies upang mangolekta ng mga detalye ng iyong paggamit ng YouVersion (kabilang ang datos ng trapiko, datos ng lokasyon ng IP, mga log, uri ng browser, wika ng browser, ang hiniling nafunctionality, at ang panahon ng iyong mga kahilingan), at iba pang datos pangkomunikasyon at mga mapagkukunan na iyong ina-access, ginagamit, at nililikha sa o sa pamamagitan ng YouVersion. Ginagamit namin ang impormasyong ito upang magbigay ng isang naangkop na karanasan sa YouVersion para sa iyo at upang makipag-usap sa iyo nang mas epektibo. Kinokolekta din ang impormasyon upang matukoy ang pinagsama-samang bilang ng mga natatanging device na ginagamit upang buksan ang YouVersion at/o mga bahagi ng YouVersion, subaybayan ang kabuuang paggamit, pag-aralan ang datos ng paggamit, at pagbutihin ang functionality ng YouVersion para sa lahat ng mga Miyembro at Bisita. Maaari naming pagsamahin ang impormasyong ito upang mabigyan ka ng isang mas mahusay na karanasan at upang mapabuti ang kalidad ng aming serbisyo. Sa pangkalahatan, pinapanatili namin ang datos na aming kinokolekta mula sa mga cookie sa loob ng 21 araw ngunit maaaring mai-save ito para sa isang mas mahabang panahon kung saan kinakailangan tulad ng kapag hinihingi ng batas o para sa mga teknikal na kadahilanan.

Bagaman ang karamihan sa mga internet browser ay tumatanggap ng mga cookie nang default, maaari mong kontrolin ang mga uri ng teknolohiya na ito sa pamamagitan ng iyong mga browser setting at mga katulad na tool at sumasang-ayon na tanggihan ang mga cookies nang buo. Maaari mong tanggihan na tanggapin ang mga cookie sa pamamagitan ng pag-activate ng naaangkop na setting sa iyong browser o device, ngunit kung gagawin mo ito, maaaring hindi mo ma-access ang ilang bahagi ng YouVersion, pipigilan mo kaming maghatid ng buong kakayahan ng YouVersion, at maaari mong hadlangan ang paggamit ng ilang mga tampok at serbisyo na nangangailangan ng mga teknolohiyang ito.

Hindi kayang pangasiwaan ng Life.Church ang iba pang mga site, nilalaman, o application na iniugnay o ibinigay mula sa loob ng YouVersion o aming iba pang mga website at serbisyo na ipinagkaloob ng mga third party, kabilang ang tagagawa ng iyong device, at iyong mobile service provider. Ang mga ikatlong partido na ito ay maaaring maglagay ng mga sarili nilang mga cookie o iba pang mga file sa iyong computer, mangolekta ng datos, o manghingi ng personal na impormasyon mula sa iyo. Ang impormasyong kanilang kinokolekta ay maaaring maiugnay sa iyong personal na impormasyon o maaari silang mangolekta ng impormasyon, kabilang ang personal na impormasyon, tungkol sa iyong mga gawain sa online sa paglipas ng panahon at sa iba't-ibang mga website, app, at iba pang mga serbisyo sa online. Ang mga ikatlong partido na ito ay maaaring gumamit ng impormasyong ito upang mabigyan ka ng nilalaman na nakatuon batay sa interes (pag-uugali). Hindi namin kinokontrol ang mga teknolohiyang pagsubaybay ng mga third party o kung paano ito magagamit. Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa sinabing nilalaman, dapat kang direktang makipag-ugnayan sa responsableng tagapagbigay ng serbisyo.

Mga Attribution Provider.

Inanunsyo namin ang YouVersion sa mga third party site tulad ng Facebook at Google at gumagamit kami ng mga third-party software development kit ("SDK") upang maglagay ng isang pag-download ng YouVersion sa patalastas na inilalagay sa third-party site. Maaari kaming magbigay sa mga ikatlong partido na ito ng pinagsama-samang, hindi-pinapangalanang impormasyon sa mga patalastas na inilalagay sa kanilang mga site at idina-download ang resulta ng mga ito ng YouVersion. Hindi namin ipinagbibili ang iyong personal na impormasyon sa anumang ikatlong partido o pinapayagan ang aming mga tagapagbigay ng serbisyo ng SDK na ibenta ang iyong personal na impormasyon sa mga ikatlong partido o gamitin ang iyong personal na impormasyon upang mangalap ng pagbebentahan ng mga produkto o serbisyo ng ikatlong partido.

ID ng Device at Lokasyon at Pag-access sa Network.

Kapag in-access mo ang mga website ng YouVersion o umalis ka mula rito, natatanggap namin ang URL ng parehong site na iyong pinanggalingan at ang susunod na iyong pupuntahan. Nalalaman rin namin ang impormasyon tungkol sa iyong proxy server, operating system, web browser at mga add-on, device ng pagkakakilanlan at mga tampok, at/o ang iyong ISP o mobile carrier kapag gumagamit ka ng YouVersion. Natatanggap rin namin ang datos mula sa iyong mga device at mga network, kabilang ang iyong IP address.

Ginagamit namin ang mga IP address na kinokolekta namin mula sa aming mga user upang maproseso ang mga ito gamit ang pampublikong latitud at longhitud na impormasyon kaugnay ng iyong Internet Service Provider o mobile service provider upang matukoy at, sa ilang mga pagkakataon, makapagbigay ng larawan sa isang pinagsama-sama at hindi-pinapangalanang paraan ng tinatayang heograpikong rehiyon para sa bawat pagkakataon ng paggamit ng YouVersion. Ang impormasyong latitud at longhitud na ito ay itinatago namin nang humigit-kumulang pitong araw para sa pag-aayos o troubleshooting at mga layuning pang-diagnostic, ngunit hindi kailanman nauugnay sa anumang impormasyon tungkol sa iyo o na magpapakilala sa iyo nang personal.

Kung gumagamit ka ng YouVersion mula sa isang mobile device at kung nais mong gamitin ang tampok na Kaganapan, ikaw ay tatanungin kung bibigyan mo ng pahintulot ang YouVersion na ma-access at makatanggap ng impormasyon mula sa gainagamit mong device na may kinalaman sa iyong lokasyon ng GPS upang makahanap ng Mga Kaganapan na malapit sa iyo, tulad ng nakasaad sa ibaba. Hindi namin ibinabahagi ang alinman sa iyong personal na impormasyon ng pagkakakilanlan kasama ang pagkakakilanlan o lokasyon ng iyong device kung wala ang iyong tahasang pahintulot. Hindi mo kailangang ibigay ang impormasyong ito; gayunpaman, kung hindi, maaari nitong malimitahan ang iyong kakayahang magamit nang lubos ang Mga Kaganapan.

Kinokolekta din namin at ginagamit ang mga pahintulot sa wireless (o "WiFi") ng iyong mobile device upang matukoy kung ikaw ay nakakonekta sa isang WiFi o cellular network. Ang impormasyong ito ay ginagamit upang makapaghandog ng pinakamahusay na user experience o karanasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mataas na media resolution sa isang user na nakakonekta sa isang high-speed WiFi na koneksyon kaysa sa isang cellular network. Ginagamit din ang mga pahintulot sa WiFi para sa pagka-cast ng nilalaman sa Chromecast at mga katulad na device. Ang impormasyong ito ay hindi nakatago o ibinabahagi ng YouVersion.


Paano Namin Ginagamit Ang Iyong Impormasyon

Ginagamit namin ang datos na kinokolekta namin tungkol sa iyo at ibinibigay mo sa amin pati na rin ang mga imperensiya na ginagawa namin mula sa impormasyong tulad ng mga sumusunod:

  • Upang magbigay, sumuporta, at isapersonal ang YouVersion at funcionality ng YouVersion na iyong hiniling;
  • Upang lumikha, mapanatili, ma-customize, at mapanatiling ligtas ang iyong YouVersion account, kung mayroon man;
  • Upang maproseso ang iyong mga kahilingan at tumugon sa iyong mga katanungan;
  • Upang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa iba pang mga produkto o serbisyo ng YouVersion;
  • Upang mapanatili ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng YouVersion at ang imprastraktura na nagpapadali at nagpapabilis ng paggamit ng YouVersion;
  • Para sa panloob na pagbuo ng YouVersion at iba pang mga produkto at serbisyo nito;
  • Para sa panloob na pagsusuri ng paggamit ng YouVersion;
  • Upang gampanan ang anumang iba pang layunin sa pagbibigay mo nito;
  • Upang maisagawa ang aming mga pananagutan at ipatupad ang aming mga karapatan sa ilalim ng naaangkop na batas, kabilang ang aming mga karapatan at pananagutan sa ilalim ng Patakaran sa Pribasya at ng aming Mga Tuntunin sa Paggamit;
  • Tulad ng inilalarawan sa Patakaran sa Pribasya na ito;
  • Sa anumang paraan na maihahayag namin sa inyo kapag nagbigay kayo ng impormasyon; at
  • Sa anumang paraan na may iyong pahintulot.

Membership o Pagiging Kasapi.

Ginagamit namin ang personal na impormasyon na iyong ibinibigay upang lumikha at mapanatili ang iyong Membership account o account ng Pagiging Kasapi. Ginagamit din namin ang impormasyong ito upang pahintulutan at patunayan ang pag-access mo sa iyong account. Itinatago namin ang impormasyong ito at ang impormasyong kaugnay ng iyong paggamit ng YouVersion kasama ng iyong Membership account hanggang sa ikaw ay isang Miyembro. Halimbawa, ang iyong unang pangalan at apelyido at email address ay maiimbak at gagamitin namin kaugnay ng pangalan ng iyong account o ng isang auto-generated na account ID upang mapatunayan na ikaw ay wastong gumagamit ng iyong account. Itatago rin namin ang iyong Mga Kontribusyon ng User na may kaugnayan sa iyong Member account upang pahintulutan kang mag-access, muling ma-access, mag-post, at kung sa anupamang paraan mo nais gamitin ang iyong Mga Kontribusyon ng User ayon sa iyong kagustuhan.

Mga Kaibigan.

Pahihintulutan ka ng YouVersion na makipag-usap at makipag-ugnayan sa iba pang mga gumagamit ng YouVersion upang magbahagi ng mga bersikulo ng Biblia, Mga Kontribusyon ng User, at iba pang nilalaman. Nasa sa iyo ang pagpili kung ikaw ay makikipag-usap o makikipag-ugnayan sa isa pang Miyembro at magbabahagi ng iyong impormasyon o Mga Kontribusyon ng User.

Upang mapadali ang iyong mga koneksyon sa iba pang mga miyembro ng YouVersion, ikaw ay bibigyan ng pagpipilian kung ibabahagi mo sa amin ang contact informattion o mga impormasyon ng iyong mga kaugnayan na nakaimbak sa iyong device. Hindi mo kailangang ibahagi ang impormasyong ito upang magamit ang YouVersion o kumonekta sa sinumang partikular na Miyembro. Kung magpasya kang ibahagi ang impormasyong ito sa amin, gagamitin lamang ito upang subukan at iugnay ang iyong mga contact o kaugnayan sa iba pang Mga Miyembro ng YouVersion upang lumikha ng mga potensyal na mga koneksyon sa YouVersion at maiimbak lamang ito sa amin hangga't mayroon kang isang YouVersion account ng Miyembro. Kapag binigyan mo kami ng access sa iyong mga kaugnayan sa iyong device para sa layunin ng pagtanggap ng mga mungkahing kaibigan, pagbibigay-abiso kung sumali ang isang kaugnayan, o pagpapadala ng isang imbitasyon sa YouVersion, ang impormasyong ito ay nakaimbak sa aming mga server sa isang hashed format para sa layunin ng paghahandog sa iyo ng functionality na ito.

Mga Kaganapan.

Pinapahintulutan ka ng Mga Kaganapan sa YouVersion na mahanap ang mga kalapit na simbahan, atbp. na nagtalaga ng kanilang mga serbisyo bilang isang Kaganapan, na nagbibigay sa iyo ng kakayahan na sundan ang mga kaganapan nito kabilang ang pagsunod sa kanilang nilalaman, paggawa ng mga tala, at pag-save ng iyong sariling kopya ng nilalaman para maging sanggunian sa hinaharap. Ang pag-uugnay sa mga Kaganapan sa iyong lokasyon ay nangangailangan ng pag-access at paggamit ng iyong lokasyon ng GPS.

Sa unang pagkakataon na pipiliin mong gamitin ang aming tampok na Mga Kaganapan, bibigyan ka ng pagpipilian upang maibahagi sa amin ang lokasyon ng iyong GPS, at kung pipiliin mo itong ibigay sa amin, gagamitin namin ang impormasyong ito para lamang makapagbigay ng isang listahan ng mga Kaganapang malapit sa iyo. Ang impormasyon sa lokasyon ng GPS ay nakaimbak sa amin nang humigit-kumulang sa pitong araw para sa pag-aayos ng mga layunin at pag-diagnostic, ngunit hindi kailanman maiimbak sa aming database kaugnay sa anumang partikular na YouVersion account ng Miyembro. Kapag natapos ang iyong partikular na sesyon ng paggamit ng tampok na Mga Kaganapan, ititigil rin namin ang pagtanggap ng impormasyon ng lokasyon ng GPS maliban na lamang kung muli mong i-access ang tampok na Mga Kaganapan. Matapos ang unang pagkakataon ng paggamit mo ng tampok na Mga Kaganapan at pagbibigay-pahintulot mo sa paggamit ng lokasyon ng iyong GPS, ipapalagay namin na patuloy mo kaming pinahihintulutan na gamitin ang impormasyong iyon sa mga susunod mong paggamit ng tampok na ito maliban na lamang kung bawiin mo ang pahintulot na ito sa pamamagitan ng mga setting sa iyong device o sa tampok na Mga Kaganapan sa Bible app.

Kung pinipili mong huwag ibahagi ang lokasyon ng iyong GPS, maaari mo pa ring gamitin ang tampok na Kaganapan, ngunit kakailanganin mong maghanap nang mano-mano para sa isang Kaganapan sa pamamagitan ng pangalan, samahan, lungsod, bansa, o iba pang mga pagkilala sa mga termino ng paghahanap.

Nilalaman ng YouVersion.

Kinokolekta namin ang pamamaraan kung paano mo ginagamit ang YouVersion at ang nilalaman nito, tulad ng iyong mga Prayer Request, mga kabanata ng Biblia at mga Gabay sa Biblia na iyong ina-access, pati ang wikang pinipili mo upang gamitin ang nilalaman na iyon. Kinokolekta din namin at iniimbak ang Mga Kontribusyon ng User na iyong nilikha, tulad ng Mga Bookmark, Mga Highlight, at Mga Tala. Pinoproseso namin ang impormasyong ito upang pahintulutan kang mag-access at gumamit ng nilalaman na iyong nilikha o nais mong ma-access sa bawat session ng YouVersion.

Magkakaroon ka ng pagpipilian kung ida-download ang ilang nilalaman ng YouVersion at Mga Kontribusyon ng User sa iyong device. Magkakaroon ka ng pagpipilian kung pahihintulutan mong mag-access ang YouVersion sa storage o imbakan ng iyong device upang idagdag at baguhin ang nai-download na nilalaman na ito. Ang pag-access sa storage ng iyong device ay ginagamit lamang ng YouVersion para sa pag-download ng hiniling na nilalaman sa iyong device.

Ito ay sarili mong pagpili kung ikaw ay lilikha, mag-aaccess, o mag-iimbak ng impormasyon at nilalaman ng YouVersion. Kung ito ay gagawin mo, itatago namin ito kaugnay ng iyong Membership account. Maaari naming gamitin ang impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng YouVersion at ang mga imperensiya na ginawa namin mula sa paggamit na iyon upang magbigay ng mga rekomendasyon sa iyo ng iba pang nilalaman ng YouVersion o Life.Church. Halimbawa, batay sa isang Gabay sa Biblia na iyong nakumpleto, maaari kaming magmungkahi ng karagdagang mga Gabay sa Biblia sa iyo. Maaari kang mag-opt out o tumanggi sa pagtanggap ng mga rekomendasyong ito sa pamamagitan ng email, tulad ng nakasaad sa ibaba.

Mga Komunikasyon Mo sa Amin.

Kami ay makikipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng push notification, email, o mga in-app na mensahe. Kung kami ay makikipag-usap sa iyo sa pamamagitan ng email, maaari kang mag-unsubscribe sa mga mensaheng ito sa pamamagitan ng unsubscribe link sa mga email na naglalaman ng mga mensaheng ito. Maaari mo ring maiangkop ang iyong mga setting ng abiso sa anumang oras sa loob ng menu ng Mga Setting ng YouVersion Bible App o sa pamamagitan ng pagbisita sa bible.com/notification-settings.

Mga Rekomendasyon

Ginagamit namin ang datos na mayroon kami tungkol sa iyo at mga imperensiya na ginagawa namin mula sa datos na iyon upang magrekomenda ng ilang nilalaman at functionality pati na rin ang mga karagdagang produkto at serbisyo na inaalok sa pamamagitan ng YouVersion. Maaari naming pagsamahin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin sa impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng iba pang mga serbisyo at produkto ng Life.Church pati ang mga imperensiya na ginagawa namin mula sa mga ito para sa aming panloob na pagbuo upang mapabuti ang pangkalahatang kalidad ng lahat ng mga serbisyo at produkto na ibinigay ng Life.Church. Maaari rin kaming gumawa ng mga rekomendasyon sa iyo para sa iba pang mga serbisyo at mga produkto ng Life.Church batay sa impormasyong ibinibigay mo at sa aming hinuha. Maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng push notification, email, o mga in-app na mensahe upang talakayin ang mga rekomendasyong ito, kung paano gamitin ang YouVersion, at iba pang mga balitang mensahe ng YouVersion.

Mga Poll at Survey

Ang mga poll at survey ay minsanan naming isinasagawa sa pamamagitan ng YouVersion. Hindi ka obligadong tumugon sa mga poll o survey, at mayroon kang mga pagpipilian tungkol sa impormasyong ibinibigay mo. Dahil maaaring magkakaiba ang layunin ng mga poll at survey na ito, magbibigay kami ng mga detalye na may kaugnayan sa pagbubunyag at paggamit ng personal na impormasyon na may kaugnayan sa anumang poll o survey bago ka magbigay ng anumang impormasyon.

Maaari naming gamitin ang iyong personal na impormasyon upang mag-imbestiga, tumugon, at lumutas ng mga isyu at reklamo tungkol sa YouVersion na may kinalaman sa ligal, seguridad, at teknikal na usapin at, kung kinakailangan, para sa mga layunin ng seguridad o upang mag-imbestiga ng posibleng pandaraya, paglabag sa batas, paglabag sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit o sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, o pagtatangka upang makapinsala sa sarili o sa iba pa. Maaari naming gamitin ang iyong impormasyon upang makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa seguridad ng account, ligal, at iba pang mga isyu na may kaugnayan sa serbisyo. Mangyaring magkaroon ng kamalayan na hindi ka maaaring mag-opt out o tumanggi sa pagtanggap ng mga naturang mensahe mula sa amin.

Abiso

Maaari naming gamitin ang iyong personal na impormasyon upang magbigay ng abiso tungkol sa isang insidente sa seguridad o paglabag sa datos, sa pamamagitan ng: (i) pagpapadala ng isang mensahe sa email address na iyong ibinigay (kung naaangkop); (ii) pag-post sa isang pampublikong pahina ng YouVersion o sa pamamagitan ng isang in-app na mensahe; (iii) sa pamamagitan ng pangunahing pambansang media; at/o (iv) telepono, kabilang ang mga pagtawag at/o pagpapadala ng text message, kahit na ipinadala sa pamamagitan ng awtomatikong paraan kabilang ang mga awtomatikong dialer. Ang mga karaniwang rate ng text at data messaging ay maaaring mailapat mula sa iyong carrier. Ang mga abisong ipinadala sa pamamagitan ng email ay magiging epektibo kung kailan ipinadala namin ang email, ang mga abiso na ibinibigay namin sa pamamagitan ng pag-post ay magiging epektibo sa panahon ng pag-post nito at sa pamamagitan ng in-app messaging kung kailan ginawa ang mensahe, at ang mga abiso na ibinibigay namin sa pamamagitan ng telepono ay magiging epektibo kung kailan ito ipinadala o itinawagl. Pinapayagan mong tumanggap ng mga elektronikong komunikasyon mula sa Life.Church na may kaugnayan sa YouVersion at sa iyong paggamit at pag-access sa mga serbisyong ibinigay sa pamamagitan ng YouVersion. Tungkulin mong panatilihing gumagana ang iyong email address at anumang iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na ibinigay mo sa amin upang maibigay namin sa iyo ang mga komunikasyon na ito.

Analytics at Performance.

Isinasagawa namin ang panloob na pagsusuri ng mga personal na datos na mayroon kami at maaaring gamitin sa paggamit ng nilalaman ng YouVersion, pati na rin ang mga imperensiya na ginagawa namin mula sa datos na iyon, upang obserbahan ang mga panlipunan, pang-ekonomiya, at heograpiyang kalakaran na nauugnay sa nilalaman ng YouVersion. Sa ilang mga pagkakataon, nakikipagtulungan kami sa mga pinagkakatiwalaang third party upang maisagawa ang pananaliksik na ito, sa ilalim ng mga pamamahala na idinisenyo upang maprotektahan ang iyong pribasya, tulad ng tinatalakay sa ibaba. Maaari naming ibunyag ang paggamit ng nilalaman ng YouVersion sa isang pinagsama-sama at hindi-pinapangalanang paraan na hindi nagsisiwalat ng sinumang partikular na gumagamit o anumang impormasyon na nagpapakilala sa gumagamit. Halimbawa, maaari naming gamitin ang iyong datos upang makabuo ng mga istatistika tungkol sa pangkalahatang paggamit ng YouVersion sa buong mundo o sa mga partikular na rehiyon ng heograpiya.

Gumagamit rin kami ng mga pinagsama-sama at hindi-pinapangalanang datos ng mga gumagamit upang itaguyod sa merkado ang YouVersion, kabilang ang mga komunikasyon sa pagpaparami ng Pagiging Kasapi ng YouVersion at pagpapalawak ng mga network, tulad ng pagdiriwang ng kabuuang bilang ng mga nag-install ng YouVersion. Kapag nakakita ka ng mga istatistika na aming ibinabahagi sa publiko tulad ng pandaigdigang pakikilahok sa YouVersion, sinisiguro naming suriin at ilathala ang mga datos sa isang pinagsama-samang paraan, upang protektahan ang iyong pribasya at mapanatiling kumpidensyal ang iyong pagkakakilanlan at personal na impormasyon. Gumagamit kami ng datos, kabilang ang personal na impormasyon na ibinigay ng mga user, pangkalahatang datos ng mga user, mga datos na nakalap mula sa paggamit ng YouVersion, mga public feedback at mga impormasyong nakuha mula sa mga datos na ito upang magsagawa ng panloob na pananaliksik at pagbuo upang makapagbigay ng mas mahusay na pangkalahatang karanasan sa YouVersion, masukat ang pagganap ng YouVersion at madagdagan ang gamit ng YouVersion at mga tampok nito. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbabago sa YouVersion na karaniwang magagamit agad, pati na rin ng pagpapadala sa mga gumagamit ng mga mensahe sa pamamagitan ng YouVersion na nagmumungkahi ng functionality at nilalaman ng YouVersion.

Sensitibong Datos

Sa pamamagitan ng pag-download at paggamit ng YouVersion, hindi namin ipinapalagay na mula ka sa anumang partikular na relihiyosong denominasyon o nagpapahayag sa amin ng anumang partikular na paniniwala sa relihiyon; ipinapalagay lamang namin na interesado ka sa nilalaman na aming ibinibigay. Hindi namin hinihingi mula sa mga gumagamit na bigyan kami ng impormasyon tungkol sa kanilang mga paniniwala o magbigay ng anumang iba pang sensitibong datos tulad ng lahi, etniko, pilosopikal na paniniwala, o pisikal o mental na kalusugan upang magamit ang YouVersion o lumikha o mapanatili ang YouVersion account ng Miyembro. Magkakaroon ka ng pagpipilian sa ilang functionality ng YouVersion upang lumikha, magtago, at magbahagi ng mga saloobin at mensahe na may kaugnayan sa nilalaman ng YouVersion, kabilang ang pagpipilian na itala at ibahagi ang Mga Panalangin. Ito ay iyong desisyon kung magbibigay ka ng sensitibong impormasyon sa loob ng Mga Kontribusyon ng User na iyong nilikha, kung ito man ay isang pagpipilian na gawin ito. Kung pinipili mong magbigay ng anumang sensitibong impormasyon, maaari naming gamitin ang impormasyong iyon kasama ng iba pang hindi sensitibong impormasyong na iyong ibinigay upang lumikha ng isang mas isinapersonal na karanasan sa YouVersion para sa iyo at upang maisagawa ang mga serbisyo at pagkilos na iyong hinihiling sa pamamagitan ng YouVersion, tulad ng pagbabahagi o pag-iimbak ng nilalaman. Sa anumang kaganapan, ang Life.Church ay magpoproseso lamang ng mga sensitibong datos na ibinibigay mo sa amin para sa mga lehitimong gawain ng Life.Church para sa iyo at alinsunod lamang sa mga tuntunin ng patakarang ito at anumang karagdagang mga kahilingan na mga ginawa mo kaugnay ng nasabing impormasyon. Papanatilihin din namin ang iyong impormasyon na napapailalim sa naaangkop na mga pananggalang na tinatalakay sa patakarang ito at kung hindi man ay ibinigay ng Life.Church. Kung mayroon kang anumang mga katanungan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa help@youversion.com.


Pagbubunyag ng Iyong Impormasyon

Hindi namin ipinagbibili o ibinabahagi ang iyong personal na datos sa anumang mga third-party na advertiser o ad network para sa kanilang mga layunin na pagpapatalastas. Maaari naming ibunyag ang iyong personal na impormasyon sa mga ikatlong partido upang magamit ang aming kakayahang makapagbigay ng YouVersion, tulad ng nakasaad sa ibaba.

Pagbubunyag bilang Iyong Kinatawan.

Maaari naming ibunyag ang iyong personal na impormasyon na aming kinokolekta o na iyong ibinibigay na nakalarawan sa Patakaran sa Pribasya na ito upang gampanan ang aming mga katungkulan sa ilalim ng aming Mga Patakaran sa Paggamit, upang maisakatuparan ang layunin kaya mo ito ibinigay, para sa anumang iba pang layunin na iyong hinihiling nang iyong ibinigay ang impormasyong ito, o para sa iba pang layunin kung saan kami ay mayroong pahintulot mo.

Pagbubunyag sa Pamamagitan Mo.

Kapag ikaw ay magbabahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng YouVersion, ang impormasyon na iyon ay makikita mo at ng sinumang piliin mong bahaginan nito. Kung bibigyan mo ng access ang iyong YouVersion account sa ibang mga application at serbisyo, batay sa iyong pagsang-ayon, ang mga serbisyo na iyon ay magkakaroon ng access sa impormasyon na iyong ibinahagi. Ang paggamit, pagkolekta at proteksyon ng iyong datos ng mga tulad na serbisyo ng third party ay batay sa mga patakaran ng mga third party na ito.

Panloob na Pagbubunyag.

Susubukan naming iproseso ang iyong personal na datos sa loob ng Life.Church upang tulungan na pagsamahin ang personal na impormasyon na sakop sa iba't ibang mga aspeto ng YouVersion at sa aming iba pang mga produkto at serbisyo upang matulungan ang pagbibigay ng mga serbisyo sa iyo sa isang paraan na isinapersonal at kapaki-pakinabang sa iyo at sa iba.

Mga Service Provider.

Maaari kaming magbunyag ng personal na impormasyon na aming kinolekta o iyong ibibigay tulad nang inilalarawan sa Patakaran sa Pribasya na ito sa mga kontratista, service provider at ibang third party na ginagamit namin para lamang suportahan ang aming misyon (tulad ng cloud hosting, mga cookie provider, pagmementena, pag-aanalisa, pagtutuos, pagbabayad, pagtuklas ng pandaraya, komunikasyon at pagpapaunlad). Halimbawa, ang ilang mga platform na ginagamit sa pagpapadala ng mga email at abiso ay itinatag at pinangangasiwaan ng mga third party, kaya't ang ilan sa iyong impormasyon ay ligtas na ipinadadala sa mga serbisyong iyon upang maisagawa ang nasabing functionality. Magkakaroon sila ng access sa iyong impormasyon ngunit ito ay mayroong hangganang makatwiran na kinakailangan lamang upang maisagawa ang mga gawaing ito bilang aming kinatawan at obligado silang hindi ito ibunyag o gamitin para sa ibang pang mga layunin.

Mga Content Provider ng YouVersion.

Gumagamit kami ng ilang third party upang magbigay ng ilang nilalaman ng YouVersion, tulad ng mga Gabay sa Biblia. Hindi kami nagbabahagi ng personal na impormasyon ng mga gumagamit ng YouVersion sa mga third party na ito. Gayunman, binibigyan namin ang mga ikatlong partido na ito ng pinagsama-samang analitika tungkol sa paggamit ng kanilang nilalaman ayon sa bansa gamit ang hindi-pinapangalanan at hindi-nagpapakilalang datos.

Ang aming kakayahan na makapagbigay ng iba't ibang salin ng Biblia sa iba't ibang wika ay resulta ng at nasasaklaw ng mga kasunduan sa pagitan namin at ng ilang mga Lipunang Pambiblia at tagapaglathala, na tatawagin naming “Mga Bible Provider ng YouVersion.” Ang Mga Kasunduan sa Lisensya na mayroon kami at ng ilang Mga Bible Provider ng YouVersion ay nagpapahintulot sa amin na bigyan ang mga user ng YouVersion ng kakayahang i-download ang ilang teksto ng Biblia para sa offline na paggamit kung aming ibibigay sa Mga Bible Provider ng YouVersion ang pangalan ng user o gumagamit, email address, at bansa para sa komunikasyon sa hinaharap. Kung ito ang iyong sitwasyon sa pag-download ng isang teksto para sa offline na paggamit, asahan na mangyayari ang mga sumusunod (i) ibabahagi lamang namin ang impormasyon na ito sa Bible Provider ng YouVersion para sa offline version na iyong hinihiling; (ii) ibabahagi lamang namin ito sa isang kumpidensyal na pamamaraan at sa pagkakataon lamang na sumang-ayon ang Bible Provider ng YouVersion na pananatilihin itong kumpidensyal; (iii) makatatanggap ka ng paalala tungkol sa mga tuntuning ito, na kailangan mong sang-ayunan sa sandaling iyon upang maipagpatuloy ang iyong pag-download. Kung hindi ay makapagpapatuloy ka lamang sa paggamit ng online na salin ng teksto. Wala nang iba pang personal na impormasyon mo ang ibabahagi sa alinmang Bible Provider ng YouVersion at walang impormasyon ang ibabahagi hanggang ibigay mo ang iyong pagsang-ayon sa paalalang iyon, na magbibigay sa iyo ng access na mai-download ito at maggamit offline. Ang iyong pakikipag-ugnayan sa alinmang Bible Provider ng YouVersion ay sa pagitan mo lamang at ng Bible Provider ng YouVersion na iyon.

Posible na kailangan naming ibunyag ang impormasyon tungkol sa iyo kapag hiningi ng batas, subpoena, o iba pang ligal na proseso. Sinusubukan naming ipaalam sa Mga Gumagamit o User ang tungkol sa mga ligal na kahilingan para sa kanilang personal na datos kapag naaangkop sa aming pagpapasiya, maliban kung ipinagbabawal ng batas o utos ng korte o kapag oras ng pangangailangan. Maaari naming salungatin ang mga kahilingan kapag naniniwala kami, sa aming pagpapasiya, na ang dahilan ng mga kahilingan ay hindi sapat, hindi malinaw, o may kakulangan ng wastong awtoridad, ngunit hindi kami nangangako na tututulan ang bawat kahilingan. Maaari rin naming ibunyag ang iyong impormasyon kung mayroon kaming magandang paniniwala na ang pagsisiwalat ay makatuwirang kinakailangan upang (i) mag-imbestiga, maiwasan, o gumawa ng aksyon patungkol sa pinaghihinalaan o aktwal na ilegal na gawain o upang matulungan ang mga ahensya na nagpapatupad ng pamahalaan; (ii) ipatupad ang aming mga kasunduan sa iyo; (iii) imbestigahan at ipagtanggol ang aming sarili laban sa anumang mga habol o paratang ng mga third-party; (iv) protektahan ang seguridad o integridad ng YouVersion; o (v) ipatupad o protektahan ang mga karapatan at kaligtasan ng Life.Church, Mga Gumagamit o User, aming mga tauhan, o iba pa. Inilalaan din namin ang karapatan na kumpidensyal na ibunyag ang mga personal na impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo na may kaugnayan sa isang potensyal o aktuwal na pagsasama o pagkuha tulad ng pagbebenta ng lahat o malaking bahagi ng aming mga pag-aari.


Pagbura, Pag-access at Pagwasto ng Iyong Impormasyon

Paano Gumawa ng Iyong Mga Kahilingan.

Para sa personal na datos na mayroon kami tungkol sa iyo, maaari mong hilingin ang mga susmusunod:

  • Pagbura

    : Maaari mong hilingin sa amin na burahin o tanggalin ang lahat o ang ilan sa iyong personal na datos. Mangyaring tandaan na sa paggawa nito ay maaaring malimitahan ang iyong kakayanang magamit ang ilang functionality ng YouVersion. Mangyaring tandaan na kinakailangan ang isang email address upang magkaroon ng account ng Miyembro upang wasto naming matiyak ang mga potensyal na gumagamit ng account na iyon.
  • Pagwasto/Pagbago

    : Maaari mong i-edit ang ilan sa iyong personal na datos sa pamamagitan ng iyong account o hilingin sa amin na baguhin, i-update, o ayusin ang iyong datos sa ilang mga pagkakataon, kabilang na kung ito ay hindi tama.
  • Pagtutol, Paglimita o Paghigpitan, Paggamit ng Datos

    : Maaari mong hilingin sa amin na ihinto ang lahat o ilan sa iyong personal na datos o limitahan ang paggamit nito.
  • Karapatang I-acess at/o Kunin ang Iyong Datos

    : Maaari kang humiling sa amin ng kopya ng aming pagbubunyag tungkol sa iyong personal na datos na iyong ibinigay sa amin.

Ang ilang mga batas ay maaaring magbigay ng karapatang gawin ang mga ito at ang mga karagdagang kahilingan hinggil sa iyong personal na impormasyon. Kung ipinagkaloob mo sa amin ang iyong personal na impormasyon at nais mong gumawa ng isang kahilingan sa ilalim ng batas ng isang partikular na rehiyon, mangyaring ipadala ang iyong kahilingan sa help@youversion.com at ilagay ang pariralang "[Iyong Estado/Bansa] Kahilingan sa Pribasya" sa linya ng paksa.

Upang gawin ang mga ito o iba pang mga kahilingan na may kaugnay sa iyong personal na impormasyon, maaari kang magpadala ng isang email sa help@youversion.com o ipadala ang iyong kahilingan sa Life.Church, attn.: YouVersion Support, 4600 E. 2nd St., Edmond, Oklahoma 73034.

Hinihiling namin sa mga indibidwal na gumagawa ng mga kahilingan na ipakilala ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang pangalan, address, at email address at tukuyin ang impormasyong kanilang hinihiling na mai-access, maiwasto, o mabura bago namin iproseso ang anumang mga kahilingan. Maaari naming tanggihan ang pagproseso ng mga kahilingan kung hindi namin mapapatunayan ang pagkakakilanlan ng humihiling, kung naniniwala kami na ang kahilingan ay mapanganib sa pribasya ng iba, kung naniniwala kami na ang kahilingan ay lalabag sa anumang batas o kinakailangan sa batas, kung naniniwala kami na ang kahilingan ay magiging sanhi na maging mali ang impormasyon, o para sa isang katulad na lehitimong layunin.

Hindi kami mangdidiskrimina laban sa iyo sa paggamit ng anuman sa iyong mga karapatan sa ilalim ng naaangkop na batas. Hindi kami maniningil ng bayad upang iproseso o tugunan ang iyong kahilingan maliban kung ito ay labis, paulit-ulit, o malinaw na walang batayan. Kung matukoy namin na ang kahilingan ay nangangahulugan ng bayad, ipaaalam namin ito sa iyo pati ang dahilan kung bakit namin ginawa ang desisyon na iyon at bibigyan ka namin ng isang pagtatantya ng halaga bago kumpletuhin ang iyong kahilingan.

Pagbura o Pagtanggal ng Iyong Account.

Kung pipiliin mong isara ang iyong account o hihilingin na baguhin namin o burahin ang ilang bahagi o lahat ng iyong personal na impormasyon, itatago namin ang iyong personal na datos kung mayroon kaming karapatang ligal o obligasyon na panatilihin ang impormasyon o upang matugunan ang mga kinakailangan sa regulasyon, lutasin ang mga hindi pagkakaunawaan, mapanatili seguridad, maiwasan ang pandaraya at pang-aabuso, ipatupad ang aming mga karapatan, o tupdin ang anumang iba pang mga kahilingan mula sa iyo (halimbawa, upang mag-opt-out sa mga karagdagang mensahe o para sa isang kopya ng iyong datos). O kaya, kung hihilingin mong isara namin ang iyong account, buburahin namin ang iyong account at ang lahat ng impormasyon na mayroon kami na kaugnay ng iyong account, maliban sa mga pinagsama-samang istatistika batay sa hindi-pinapangalanang impormasyon at mga imperensiya na ginagawa namin mula sa mga ito. Itatago rin namin ang kabuuang bilang ng download ng mga aplikasyon ng YouVersion, kabilang ang iyong pagdownload ng YouVersion, nang hindi pinapanatili ang personal na impormasyon na kaugnay ng account na iyon.

Wala kaming kontrol sa impormasyong iyong ibinahagi sa iba sa pamamagitan ng YouVersion pagkatapos mong isara ang iyong account o hilingin na tanggalin ang impormasyon o subukang tanggalin ang account nang mag-isa. Ang iyong impormasyon at mga nilalaman na iyong naibahagi ay patuloy na ipakikita sa mga serbisyo ng iba (halimbawa, mga resulta sa paghahanap) hanggang i-refresh nila ang kanilang cache.


Seguridad at Proteksyon

Nagpapatupad kami ng mga security safeguards o pananggalang sa seguridad na idinisenyo upang protektahan ang iyong datos. Kabilang dito ang paggamit ng encryption para sa iyong datos habang ito ay ipinadadala sa pagitan ng iyong device o browser at ng aming mga server. Ang datos na ibinigay sa amin sa pamamagitan ng YouVersion ay naka-imbak din sa isang ISO 27017-certified na sistema ng pamamahala ng imprastraktura, na nangangahulugang ito ay nasiyasat at natagpuang sumusunod sa mga pamantayan ng sistema ng pamamahala na ISO 27017, isang code of practice na kinikilala sa buong mundo para sa mga information security control ng mga cloud service.

Gayunpaman, dahil sa kalikasan ng mga komunikasyon at teknolohiyang pang-impormasyon, at sa kadahilanang ang paggamit ng internet ay may mga angking panganib, bagaman regular naming sinusubaybayan ang mga posibleng kahinaan at atake, hindi namin magagarantiyahan na ang impormasyong ibinigay sa amin sa pamamagitan ng YouVersion o nakatago sa aming mga sistema o sa ibang imbakan pa ay ganap na ligtas mula sa di-awtorisadong panghihimasok ng iba, ni magagarantiyahan na ang naturang datos ay hindi maaaring ma-access, mabunyag, mabago, o masira sa pamamagitan ng paglabag sa alinman sa aming pisikal, teknikal, o mga managerial na pananggalang.


Mga Kabataan na Mababa sa Edad na 16

Hindi namin kinokolekta ang personal na impormasyon mula sa sinumang tao na napatunayan naming mababa sa edad na 16 nang walang pahintulot ng magulang o ligal na tagapangalaga ng menor de edad na iyon.

Maaaring pahintulutan ng isang magulang o tagapangalaga ang paggamit ng kanilang account sa YouVersion ng isang menor de edad sa pangunahing profile ng magulang o tagapangalaga o pangalawang profile ng account ng magulang/tagapag-alaga sa platform na kilala bilang Pambatang Bible App. Kung pahihintulutan mong gamitin ng iyong menor de edad na anak ang iyong account (sa pamamagitan ng iyong profile o profile ng Profile), ikaw ang tanging may pananagutan sa pagbibigay ng pangangasiwa ng paggamit ng menor de edad ng YouVersion at mananagot sa buong responsibilidad para sa pagpapakahulugan at paggamit ng anumang impormasyon o mga mungkahing ibinigay sa pamamagitan ng YouVersion.

Upang makalikha ng pangalawang profile, ikaw ay kinakailangan mag-access sa iyong account gamit ang iyong impormasyon ng User at magkakaroon ka ng natatanging kontrol sa profile ng Pambatang Bible App na iyon. Hindi namin hinihiling na ibunyag mo sa amin ang anumang impormasyon ng pagkakakilanlan tungkol sa iyong menor de edad na anak upang lumikha ng profile ng Pambatang Bible App. Kapag nagse-set up ng isang profile para sa iyong menor de edad na anak, ikaw ay kinakailangang magbigay ng isang "Pangalan ng Bata" upang makilala ang nasabing account; gayunpaman, ang pangalang ito ay maaaring maging alinman sa iyong kagustuhan at hindi ka kinakailangang aktuwal na una o huling pangalan ng iyong menor de edad na anak.

Kung saan iniuugnay mo ang impormasyon ng iyong menor de edad na anak sa iyong account, ipinapalagay namin na pinahihintulutan mo ang aming pagproseso ng impormasyong iyon alinsunod sa patakarang ito at iba pang mga abiso sa pribasya at mga tuntunin na maaaring maibigay namin sa iyo paminsan-minsan. Kung papapayagan mo ang iyong menor de edad na anak na gumamit ng YouVersion, hinihiling namin na talakayin mo ang mga panganib ng pagbabahagi ng personal na impormasyon sa Internet sa iyong mga anak at hinihiling namin na pigilan silang makipag-usap sa anumang mga ikatlong partido o magbahagi ng anumang personal na impormasyon sa YouVersion o sa mga gumagamit ng YouVersion. Kung naniniwala kang mayroon kaming anumang impormasyon mula sa o tungkol sa isang batang wala pang 16 taong gulang, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa help@youversion.com.


Pagproseso ng Datos

Kokolektahin at ipoproseso lang namin ang mga personal na datos tungkol sa iyo kung saan kami ay may mga legal na batayan. Kabilang sa legal na batayan ang pahintulot (kung saan ka nagbigay ng pahintulot), kontrata, at iba pang mga lehitimong interes. Kabilang sa mga naturang lehitimong interes ay ang pagprotekta sa iyo, sa amin at sa ibang Miyembro at mga ikatlong partido, upang sumunod sa mga naangkop na batas, upang paganahin at pangasiwaan ang aming negosyo, upang pamahalaan ang aming mga transaksyon na pangkorporasyon, upang pangkalahatang intindihin at pagbutihin ang aming panloob na proseso at mga ugnayan sa mga gumagamit, at upang pahintulutan kami at ang iba pang mga user ng YouVersion na makipag-ugnayan sa iyo upang makipagpalitan ng impormasyon, sa kondisyon na ang mga nabanggit ay sapat na nagpoprotekta sa iyong mga karapatan at kalayaan.

Kung saan kami ay nakabatay sa iyong pahintulot upang magproseso ng personal na datos, ikaw ay mayroong karapatang bawiin o itanggi ang iyong pahintulot at kung saan kami ay umaasa sa mga lehitimong interes, ikaw ay may karapatang tumutol. Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa mga legal na batayan kung saan aming kinokelekta at ginagamit ang iyong personal na datos, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa help@youversion.com.


Pagkolekta ng Impormasyon ng mga Third-party

Mangyaring tandaan na ang YouVersion ay maaaring maglaman ng mga link patungoo sa ibang mga website o app. Ikaw ay may pananagutan sa pagsuri sa mga pahayag sa pribasya at mga patakaran ng ibang mga wesbite na iyong pipiliing puntahan patungo o mula sa YouVersion, nang sa gayon ay maiintindihan mo kung paano ang mga website na iyon ay nangongolekta, gumagamit, o nag-iimbak ng iyong impormasyon. Kami ay walang pananagutan para sa mga pahayag sa pribasya, patakaran o mga nilalaman ng ibang mga website o app, kabilang ang mga website na iyong iniuugnay sa o mula sa YouVersion. Ang mga website na naglalaman ng co-branding (pagbanggit ng aming pangalan at pangalan ng third-party) ay naglalaman ng mga nilalaman hatid ng third-party at hindi namin.

Kung nais mong iugnay ang YouVersion sa ibang website, application, at mga serbisyo o profile na mayroon ka sa mga application ng ikatlong partido, ibibigay mo ang iyong personal na datos na mayroon ka sa mga application na iyon sa Life.Church. Halimbawa, maaari kang magsimula ng panibagong YouVersion Membership account sa pamamagitan ng pag-ugnay o pag-link ng iyong Facebook account sa YouVersion, gamit ang iyong personal na impormasyon na pinili mong ibahagi sa Facebook ay ibabahagi mo rin ito sa Life.Church. Maaari mong bawiin ang pag-ugnay o pag-link sa mga account na ito at sa mga application ng ikatlong partido sa pamamagitan ng pagbago ng iyong mga setting sa mga application na iyon.


Mga Gumagamit o User na Mula sa Labas ng Estados Unidos

Ang YouVersion ay naka-base sa Oklahoma sa loob ng Estados Unidos at ang iyong paggamit ng YouVersion at ng Patakaran sa Pribasya na ito ay pinamamahalaan ng mga batas ng Estados Unidos at Estado ng Oklahoma. Kung ikaw ay gumagamit ng YouVersion mula sa labas ng bansa o estadong ito, mangyaring unawain na ang iyong impormasyon ay maaaring mailipat, maimbak, at maproseso sa Estados Unidos kung saan naroroon ang aming mga server at pinatatakbo ang aming central database. Nagpoproseso kami ng datos sa loob at sa labas ng Estados Unidos at umaasa sa kasunduang nakasaad sa mga kontrata sa pagitan namin at ng mga kompanyang naglilipat ng mga personal na datos na nangangailangan ng proteksyon at seguridad ng nasabing datos. Ang pagprotekta ng datos at iba pang batas ng Estado ng Oklahoma, ng Estados Unidos, at ibang bansa ay maaaring hindi kasinlawak ng saklaw ng mga kaparehong batas ng iyong bansa. Sa paggamit ng YouVersion, ikaw ay nagpapahintulot ng paglilipat ng iyong impormasyon sa aming mga pasilidad at sa mga pasilidad ng mga ikatlong partido na aming binabahaginan nito, tulad nang inilalarawan sa Patakaran sa Pribasya na ito.


Mga Pagbabago sa Aming Patakaran sa Pribasya

Maaari naming i-update o baguhin ang aming Patakaran sa Pribasya paminsan-minsan upang ipakita ang mga pagbabago sa aming mga kasanayan. Ang Life.Church ay patuloy na naghahanap ng mga makabago at mas pinabuting paraan upang ihandog ang YouVersion at tumaas ang bilang ng mga pagkikipag-ugnayan sa Biblia. Habang aming pinabubuti ang YouVersion, maaari itong mangahulugan ng pagkolekta ng mga bagong datos o mga bagong paraan upang gamitin ang mga datos. Dahil ang YouVersion ay patuloy na nagbabago, at patuloy kaming naghahanap ng mga bagong tampok, maaari kaming mangailangan na mga pagbabago sa aming pagkolekta o pagproseso ng impormasyon. Kung kami ay mangongolekta ng ibang personal na datos o malawakang babaguhin kung paano namin gagamitin ang iyong datos, ia-update namin ang Patakaran sa Pribasya na ito.

Kami ay magpopost ng anumang mga pagbabago sa aming Patakaran sa Pribasya sa pahinang ito. Kung kami ay gagawa ng mga mahahalagang pagbabago kung paano namin gingamit ang personal na impormasyon ng mga gumagamit, magbibigay kami ng abiso na na-update ang Patakaran sa Pribasya. Ang petsa kung kailan huling binago ang Patakaran sa Pribasya ay makikita sa itaas ng pahina. Ikaw ay may pananagutan sa pagtiyak na kami ay mayroong napapanahon, aktibo, at napapadalhan na email address mo, at sa pana-panahong pagbisita sa Patakaran sa Pribasya na ito upang makita ang anumang mga pagbabago.


Impormasyon Tungkol sa Mga Kaugnayan

Upang magpaabot ng mga katanungan o mga komento tungkol sa Patakaran sa Pribasya na ito at sa aming mga kasanayan sa pribasya, maari kaming maabot sa: Life Covenant Church, Inc., attn.: YouVersion Support, 4600 E. 2nd St., Edmond, Oklahoma 73034, help@youversion.com.