Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Zefanias 3:9-20

Zefanias 3:9-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“Oo, sa panahong iyon ay babaguhin ko ang pananalita ng mga tao, at bibigyan ko sila ng dilang malinis, upang sa kay Yahweh lamang manalangin at sumamba at buong pagkakaisang maglingkod sa kanya. Mula sa kabilang panig ng mga ilog ng Etiopia, ang aking nangalat na bayan, ay sasamba sa akin at magdadala ng kanilang handog. “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiya sa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin, sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas, at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok. Iiwan ko roon ang mga taong mapagpakumbabá; lalapit sila sa akin upang magpatulong. Hindi na gagawa ng kasamaan ang mga nakaligtas sa Israel; hindi na sila magsisinungaling ni mandaraya man. Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag; wala na silang katatakutan.” Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel! Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem! Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh, at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel, wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang sa isang kapistahan. Ililigtas kita sa iyong kapahamakan, upang huwag mo nang maranasan ang kahihiyan. Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo. Titipunin ko ang mga itinakwil, papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan, at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig. Sa panahong iyon, kayo'y aking titipunin at ibabalik sa inyong tahanan. Gagawin ko kayong bantog sa buong daigdig, at muli kong ibabalik ang inyong kayamanan at kasaganaan.” Si Yahweh ang nagsabi nito.

Zefanias 3:9-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

Pagkatapos, babaguhin ko ang mga tao, para lahat silaʼy lalapit sa akin at magkakaisang maglilingkod sa akin. Ang aking mga mamamayang nangalat sa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia ay magdadala ng mga handog sa akin. “Sa araw na iyon, kayong mga taga-Jerusalem ay hindi na mapapahiya sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa akin, dahil aalisin ko sa inyo ang mga mapagmataas at mayayabang. Kaya wala nang magyayabang doon sa aking banal na bundok. Pero mag-iiwan ako sa Jerusalem ng mga taong aba at mahihirap na hihingi ng tulong sa akin. Ang mga Israelitang ito ay hindi gagawa ng masama; hindi sila magsisinungaling o mandadaya. Kakain at matutulog silang payapa at walang kinatatakutan.” Sinabi ni Zefanias: Kayong mga mamamayan ng Israel, sumigaw kayo sa tuwa! Kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umawit kayo at magalak nang buong puso! Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng PANGINOON. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway. Kasama ninyo ang PANGINOON, ang Hari ng Israel, kaya wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon, sasabihin ng mga tao sa mga taga-Jerusalem, “Mga mamamayan ng Zion, huwag kayong matakot; magpakatatag kayo. Sapagkat kasama ninyo ang PANGINOON na inyong Dios. Katulad siya ng isang makapangyarihang sundalo na magliligtas sa inyo. Magagalak siya sa inyo, at sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig ay babaguhin niya ang inyong buhay. Aawit siya nang may kagalakan dahil sa inyo, gaya ng taong nagsasaya sa araw ng kapistahan.” Sinabi pa ng PANGINOON, “Ililigtas ko kayo sa kasawian para hindi na kayo malagay sa kahihiyan. Sa araw na iyon, parurusahan ko ang lahat ng umaapi sa inyo. Kayo ay parang mga tupang napilay at nangalat, pero ililigtas ko kayo at titipuning muli. Inilagay kayo sa kahihiyan noon, pero pararangalan ko kayo at gagawing tanyag sa buong mundo. Oo, titipunin ko kayo sa araw na iyon at pababalikin ko kayo sa inyong bansa. Pararangalan ko kayo at gagawing tanyag sa buong mundo. Mangyayari ito sa araw na panumbalikin ko ang inyong mabuting kalagayan at makikita ninyo mismo ito. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.”

Zefanias 3:9-20 Ang Biblia (TLAB)

Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa. Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng aking pinapangalat, ay magdadala ng handog sa akin. Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok. Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon. Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila. Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan. Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay. Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit. Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan. Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.

Zefanias 3:9-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

“Oo, sa panahong iyon ay babaguhin ko ang pananalita ng mga tao, at bibigyan ko sila ng dilang malinis, upang sa kay Yahweh lamang manalangin at sumamba at buong pagkakaisang maglingkod sa kanya. Mula sa kabilang panig ng mga ilog ng Etiopia, ang aking nangalat na bayan, ay sasamba sa akin at magdadala ng kanilang handog. “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiya sa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin, sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas, at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok. Iiwan ko roon ang mga taong mapagpakumbabá; lalapit sila sa akin upang magpatulong. Hindi na gagawa ng kasamaan ang mga nakaligtas sa Israel; hindi na sila magsisinungaling ni mandaraya man. Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag; wala na silang katatakutan.” Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel! Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem! Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh, at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel, wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang sa isang kapistahan. Ililigtas kita sa iyong kapahamakan, upang huwag mo nang maranasan ang kahihiyan. Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo. Titipunin ko ang mga itinakwil, papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan, at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig. Sa panahong iyon, kayo'y aking titipunin at ibabalik sa inyong tahanan. Gagawin ko kayong bantog sa buong daigdig, at muli kong ibabalik ang inyong kayamanan at kasaganaan.” Si Yahweh ang nagsabi nito.

Zefanias 3:9-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)