Zacarias 9:9-11
Zacarias 9:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan. “Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim, gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem. Panudla ng mga mandirigma ay mawawala, pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa. Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila, mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.” Sinabi pa ni Yahweh, “Alang-alang sa ating tipan na pinagtibay ng dugo, ibabalik ko ang mga anak mong itinapon sa balong tuyo.
Zacarias 9:9-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ng PANGINOON, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, dahil ang inyong hari ay darating na. Matuwid siya at mapagtagumpay. Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa bisirong asno. Ipaaalis niya ang mga karwahe at mga kabayong pandigma sa Israel at sa Juda. Babaliin ang mga panang ginagamit sa pandigma. Ang haring darating ay magdadala ng kapayapaan sa mga bansa. Maghahari siya mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat, at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa dulo ng mundo.” Sinabi pa ng PANGINOON, “Tungkol naman sa inyo na mga taga-Israel, palalayain ko ang mga nabihag sa inyo. Sila ay parang mga taong inihulog sa balon na walang tubig. Palalayain ko sila dahil sa kasunduan ko sa inyo na pinagtibay sa pamamagitan ng dugo.
Zacarias 9:9-11 Ang Biblia (TLAB)
Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae. At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. Tungkol sa iyo naman, dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.
Zacarias 9:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan. “Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim, gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem. Panudla ng mga mandirigma ay mawawala, pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa. Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila, mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.” Sinabi pa ni Yahweh, “Alang-alang sa ating tipan na pinagtibay ng dugo, ibabalik ko ang mga anak mong itinapon sa balong tuyo.
Zacarias 9:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)