“Magalak kayo, kayong mga mamamayan ng Zion! Sumigaw kayo sa tuwa, kayong nasa Jerusalem! Sapagkat ang inyong hari ay darating na. Matuwid siya at matagumpay. Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa bisirong asno. Ipapaalis niya ang mga karwahe at mga kabayong pandigma sa Israel at sa Juda. Babaliin ang mga panang ginagamit sa digmaan. Ang haring darating ay magdadala ng kapayapaan sa mga bansa. Maghahari siya mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat, at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa dulo ng mundo. At sa inyo naman, dahil sa aking kasunduang pinagtibay ng dugo, palalayain ko kayo sa pagkakakulong sa balong walang tubig.
Basahin Zacarias 9
Makinig sa Zacarias 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Zacarias 9:9-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas