Ang Awit ni Solomon 2:4-11
Ang Awit ni Solomon 2:4-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag, sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat. Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas, at magiliw na binusog ng matamis na mansanas; dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas. Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan, habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay. Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem, sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin, ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain. Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig, mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig. Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa, mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla. Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya, sumisilip sa bintana upang ako ay makita. Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi: Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal. Lumipas na ang taglamig sa buong lupain at ang tag-ulan ay natapos na rin.

Ang Awit ni Solomon 2:4-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dinala niya ako sa isang handaan para ipakita sa lahat na ako ay kanyang minamahal. Pakainin ninyo ako ng pasas at mansanas para akoʼy muling lumakas, sapagkat nanghina ako dahil sa pag-ibig. Ulo koʼy nakaunan sa kaliwa niyang bisig at ang kanang kamay naman niya ay nakayakap sa akin. Kaya kayong mga dalaga ng Jerusalem, mangako kayo sa pamamagitan ng mga batang usa at gasela, na hindi ninyo hahayaang ang pag-ibig ay umusbong hanggaʼt hindi pa dumarating ang tamang panahon. Ayan na! Naririnig ko nang paparating ang aking mahal. Dumarating siyang patalon-talon na parang usa sa mga bundok at burol. Tingnan ninyo, nariyan na siya na nakatayo sa may pader, at sa bintana akoʼy sinisilip. Sinabi niya sa akin, “Halika na irog kong maganda at sa akin ay sumama ka. Tapos na ang panahon ng taglamig at tag-ulan.
Ang Awit ni Solomon 2:4-11 Ang Biblia (TLAB)
Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta. Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagka't ako'y may sakit na pagsinta. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, hanggang sa ibigin niya. Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol. Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, siya'y sumusungaw sa mga dungawan, siya'y napakikita sa mga silahia. Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na
Ang Awit ni Solomon 2:4-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag, sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat. Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas, at magiliw na binusog ng matamis na mansanas; dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas. Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan, habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay. Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem, sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin, ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain. Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig, mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig. Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa, mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla. Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya, sumisilip sa bintana upang ako ay makita. Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi: Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal. Lumipas na ang taglamig sa buong lupain at ang tag-ulan ay natapos na rin.
Ang Awit ni Solomon 2:4-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dinala niya sa bahay na may pigingan, At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta. Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, Hanggang sa ibigin niya. Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, Na lumulukso sa mga bundok, Lumulundag sa mga burol. Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, Siya'y sumusungaw sa mga dungawan, Siya'y napakikita sa mga silahia. Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; Ang ulan ay lumagpas at wala na