Dinala niya sa bahay na may pigingan, At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta. Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, Hanggang sa ibigin niya. Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, Na lumulukso sa mga bundok, Lumulundag sa mga burol. Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, Siya'y sumusungaw sa mga dungawan, Siya'y napakikita sa mga silahia. Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; Ang ulan ay lumagpas at wala na
Basahin ANG AWIT NG MGA AWIT 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: ANG AWIT NG MGA AWIT 2:4-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas