Ruth 4:17-22
Ruth 4:17-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Siya'y tinawag nilang Obed. Ipinamalita nilang nagkaapo ng lalaki si Naomi. Si Obed ang siyang ama ni Jesse na ama naman ni David. Ito ang pagkakasunud-sunod ng angkan mula kay Fares hanggang kay David: Fares, Hezron, Ram, Aminadab, Naason, Salmon, Boaz, Obed, Jesse, at David.
Ruth 4:17-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ng mga babaeng kapitbahay ni Naomi, “May apong lalaki na si Naomi!” Pinangalanan nila ang bata na Obed. At nang malaki na si Obed, nagkaanak siya na Jesse ang pangalan. At si Jesse ang naging ama ni David. Ito ang mga angkan ni Perez hanggang kay David: Si Perez ang ama ni Hezron, si Hezron ang ama ni Ram, si Ram ang ama ni Aminadab, si Aminadab ang ama ni Nashon, si Nashon ang ama ni Salmon, si Salmon ang ama ni Boaz, si Boaz ang ama ni Obed, si Obed ang ama ni Jesse, at si Jesse ang ama ni David.
Ruth 4:17-22 Ang Biblia (TLAB)
At nilagyan ng pangalan ng mga babaing kaniyang kapitbahay, na sinasabi, May isang lalake na ipinanganak kay Noemi; at tinawag nila ang pangalan niya na Obed; siya ang ama ni Isai, na ama ni David. Ito nga ang mga lahi ni Phares: naging anak ni Phares si Hesron; At naging anak ni Hesron si Ram, at naging anak ni Ram si Aminadab; At naging anak ni Aminadab si Nahason, at naging anak ni Nahason si Salmon: At naging anak ni Salmon si Booz, at naging anak ni Booz si Obed; At naging anak ni Obed si Isai, at naging anak ni Isai si David.
Ruth 4:17-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Siya'y tinawag nilang Obed. Ipinamalita nilang nagkaapo ng lalaki si Naomi. Si Obed ang siyang ama ni Jesse na ama naman ni David. Ito ang pagkakasunud-sunod ng angkan mula kay Fares hanggang kay David: Fares, Hezron, Ram, Aminadab, Naason, Salmon, Boaz, Obed, Jesse, at David.
Ruth 4:17-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)