At nilagyan ng pangalan ng mga babaing kaniyang kapitbahay, na sinasabi, May isang lalake na ipinanganak kay Noemi; at tinawag nila ang pangalan niya na Obed; siya ang ama ni Isai, na ama ni David. Ito nga ang mga lahi ni Phares: naging anak ni Phares si Hesron; At naging anak ni Hesron si Ram, at naging anak ni Ram si Aminadab; At naging anak ni Aminadab si Nahason, at naging anak ni Nahason si Salmon: At naging anak ni Salmon si Booz, at naging anak ni Booz si Obed; At naging anak ni Obed si Isai, at naging anak ni Isai si David.
Basahin Ruth 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ruth 4:17-22
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas