Mga Taga-Roma 12:9-19
Mga Taga-Roma 12:9-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong pusong maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin. Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan. Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis. Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat. Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”
Mga Taga-Roma 12:9-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Mga Taga-Roma 12:9-19 Ang Biblia (TLAB)
Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti. Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba; Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon; Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin; Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy. Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak. Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao. Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao. Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
Mga Taga-Roma 12:9-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mga Taga-Roma 12:9-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)