MGA TAGA ROMA 12
12
1Kaya nga, mga kapatid, #1 Cor. 1:10; 2 Cor. 10:1. ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na #Rom. 6:13. inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
2At #1 Ped. 1:14. huwag kayong magsiayon #1 Juan 2:15. sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo #Tit. 3:5. sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo #Ef. 5:10, 17; 1 Tes. 4:3. kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
3Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na #1 Cor. 4:6. huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, #1 Cor. 7:17; Ef. 4:7. ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.
4Sapagka't #1 Cor. 12:12; Ef. 4:4, 16. kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:
5Ay gayon din tayo, na #Juan 17:21; 1 Cor. 6:15; 12:20, 27; Ef. 1:23. marami, ay iisang katawan kay Cristo, at #Ef. 4:25. mga sangkap na samasama sa isa't isa.
6 #
1 Cor. 12:4. At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung #Gawa 2:18. hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya;
7O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;
8O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.
9Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.
10Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;
11Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;
12Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; #Luc. 13:1. magmatiyagain sa pananalangin;
13 #
1 Cor. 16:1; 2 Cor. 9:1, 2; Gal. 2:10. Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.
14Pagpalain ninyo #Mat. 5:44. ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.
15Makigalak kayo sa #Job 30:25. nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.
16 #
Job 15:5. Mangagkaisa kayo ng pagiisip. #Awit 131:1. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. #Kaw. 3:7; Rom. 11:25. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.
17 #
Mat. 5:39. Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. #2 Cor. 8:21. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
18Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay #Mar. 9:50. magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
19Huwag kayong #Lev. 19:18. mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, #Deut. 32:35; Heb. 10:30. Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
20Kaya't #Kaw. 25:21, 22. kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
21Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
Kasalukuyang Napili:
MGA TAGA ROMA 12: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982