Mga Taga-Roma 12:6
Mga Taga-Roma 12:6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya.
Mga Taga-Roma 12:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ibaʼt iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Dios ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang kaloob ng isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Dios, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya.
Mga Taga-Roma 12:6 Ang Biblia (TLAB)
At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya
Mga Taga-Roma 12:6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)