Mga Awit 96:1-4
Mga Awit 96:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa. Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihan higit sa sinumang diyos, siya'y dapat na igalang.
Mga Awit 96:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa PANGINOON! Awitan ninyo ang PANGINOON at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa. Dahil dakila ang PANGINOON, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang igalang ng higit sa lahat ng mga dios
Mga Awit 96:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
Mga Awit 96:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa. Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihan higit sa sinumang diyos, siya'y dapat na igalang.
Mga Awit 96:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.