Mga Awit 94:2-5
Mga Awit 94:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tumayo ka at sa lupa'y igawad ang iyong hatol, ang hambog ay hatulan mo ng parusang nauukol. Hanggang kailan kaya, Yahweh, magagalak ang masama? Hanggang kailan ibabantog ang kanilang mga gawa? Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog, upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot? Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo, Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.
Mga Awit 94:2-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayo ang humahatol sa lahat ng tao, kaya sige na po PANGINOON, gantihan nʼyo na nang nararapat ang mayayabang. Hanggang kailan magdiriwang ang masasama, PANGINOON? Silang lahat na gumagawa ng masama ay ubod ng yabang. Inaapi nila ang mamamayang pag-aari ninyo, PANGINOON.
Mga Awit 94:2-5 Ang Biblia (TLAB)
Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama? Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki. Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana.
Mga Awit 94:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tumayo ka at sa lupa'y igawad ang iyong hatol, ang hambog ay hatulan mo ng parusang nauukol. Hanggang kailan kaya, Yahweh, magagalak ang masama? Hanggang kailan ibabantog ang kanilang mga gawa? Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog, upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot? Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo, Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.
Mga Awit 94:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: Ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. Panginoon, hanggang kailan ang masama, Hanggang kailan magtatagumpay ang masama? Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: Lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki. Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, At dinadalamhati ang iyong mana.