Mga Awit 41:1-4
Mga Awit 41:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag. Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak, sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak, at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad. Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit, ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik. Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!”
Mga Awit 41:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mapalad ang taong nagmamalasakit sa mga mahihirap. Tutulungan siya ng PANGINOON sa panahon ng kaguluhan. Ipagtatanggol siya ng PANGINOON, at iingatan ang kanyang buhay. Pagpapalain din siya sa lupain natin. At hindi siya isusuko sa kanyang mga kaaway. Tutulungan siya ng PANGINOON kung siya ay may sakit, at pagagalingin siya sa kanyang karamdaman. Sinabi ko, “O PANGINOON, nagkasala ako sa inyo. Maawa kayo sa akin, at pagalingin ako.”
Mga Awit 41:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan. Pananatilihin siya, at iingatan siyang buhay ng Panginoon, at siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; at huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway. Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit. Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
Mga Awit 41:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag. Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak, sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak, at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad. Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit, ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik. Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!”
Mga Awit 41:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: Ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan. Pananatilihin siya, at iingatan siyang buháy ng Panginoon, At siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; At huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway. Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: Iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit. Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: Pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.