Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag. Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak, sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak, at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad. Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit, ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik. Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!”
Basahin Mga Awit 41
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 41:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas