Mga Awit 38:1-4
Mga Awit 38:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Yahweh, huwag mo po akong kagalitan! O kung galit ka ma'y huwag pong parusahan. Ang iyong palaso'y tumama sa akin; at iyong mga kamay, hinampas sa akin. Ako'y nilalagnat dahil sa iyong galit; dahil sa sala ko ako'y nagkasakit. Ako'y nalulunod sa taglay kong sala, sa dinami-rami ay para nang baha; mabigat na lubha itong aking dala.
Mga Awit 38:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, sa inyong galit, huwag nʼyo akong patuloy na parusahan. Para bang pinalo nʼyo ako at pinana. Dahil sa galit nʼyo sa akin, nanlulupaypay ang aking katawan. Sumasakit ang buong katawan ko dahil sa aking mga kasalanan. Parang nalulunod na ako sa nag-uumapaw kong kasalanan. Itoʼy para bang pasanin na hindi ko na makayanan.
Mga Awit 38:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit: ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay. Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan. Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin.
Mga Awit 38:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Yahweh, huwag mo po akong kagalitan! O kung galit ka ma'y huwag pong parusahan. Ang iyong palaso'y tumama sa akin; at iyong mga kamay, hinampas sa akin. Ako'y nilalagnat dahil sa iyong galit; dahil sa sala ko ako'y nagkasakit. Ako'y nalulunod sa taglay kong sala, sa dinami-rami ay para nang baha; mabigat na lubha itong aking dala.
Mga Awit 38:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pagiinit: Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, At pinipisil akong mainam ng iyong kamay. Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; Ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan. Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: Gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin.