Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 38

38
Panalangin ng nagdudusang lingkod. Awit ni #Awit 70 titik. David, sa pagaalaala.
1Oh Panginoon, #Awit 6:1. huwag mo akong sawayin sa iyong pagiinit:
Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2Sapagka't ang #Job 6:4. iyong mga pana ay nagsitimo sa akin,
At #Awit 32:4. pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
3Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit;
# Awit 6:2. Ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
4Sapagka't ang #Ezra 9:6. aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo:
Gaya ng isang pasang mabigat ay #Mat. 11:28. napakabigat sa akin.
5 # Is. 1:6. Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok,
Dahil sa aking kamangmangan.
6Ako'y nahirapan at ako'y #Awit 35:14. nahukot;
Ako'y tumatangis buong araw.
7Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap;
At walang kagalingan sa aking laman.
8Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam:
# Awit 22:1. Ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
9Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo;
At ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
10Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata:
Tungkol sa #Awit 6:7. liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
11 # Awit 31:11; 88:18. Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap;
At ang aking mga kamaganak #Mat. 27:55. ay nakalayo.
12Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay #2 Sam. 17:1-3. nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin;
# 2 Sam. 16:7, 8. At silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay,
At nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
13Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig;
# Awit 39:2, 9. At ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
14Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig,
At sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
15Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako:
Ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
16Sapagka't aking sinabi: #Awit 13:4. Baka ako'y kagalakan nila:
Pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.
17Sapagka't ako'y madali ng mahulog,
At ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
18Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan;
# 2 Cor. 7:7, 10. Aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
19Nguni't ang aking mga kaaway ay buháy at malalakas:
At silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay #Awit 35:19. dumami.
20 # Awit 35:12. Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti
Ay mga kaaway ko, #1 Ped. 3:13; 1 Juan 3:12. sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
21Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon:
Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
22Magmadali kang tulungan mo ako,
Oh Panginoon na aking kaligtasan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 38: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya