Mga Awit 36:1-12
Mga Awit 36:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling; dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling. Masama ang binabalak samantalang nahihimlay, masama rin ang ugali, at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay. Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan. Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay. O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag, ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak. Sa pagkain ay sagana sa sarili mong tahanan; doon sila umiinom sa batis ng kabutihan. Sa iyo rin nagmumula silang lahat na may buhay, ang liwanag na taglay mo ang sa amin ay umaakay. Patuloy mong kalingain ang sa iyo'y umiibig, patuloy mong pagpalain ang may buhay na matuwid. Ang palalo'y huwag tulutan na ako ay salakayin, o ang mga masasamang gusto akong palayasin. Lahat silang masasama'y masdan ninyo at nagupo! Sa kanilang binagsakan, hindi sila makatayo.
Mga Awit 36:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pumapasok sa puso ng masamang tao ang tukso ng pagsuway, kaya wala man lang siyang takot sa Dios. Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan para kamuhian ito. Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan. Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan. Kahit siyaʼy nakahiga, nagpaplano siya ng masama. Napagpasyahan niyang gumawa ng hindi mabuti, at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan. PANGINOON, ang inyong pag-ibig at katapatan ay umaabot hanggang sa kalangitan. Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan. Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan. Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O PANGINOON. Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Dios! Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo, tulad ng pagkalinga ng inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak. Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila ng masaganang handa, at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan. Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay. Pinapaliwanagan nʼyo kami, at naliliwanagan ang aming isipan. Patuloy nʼyong ibigin ang mga kumikilala sa inyo, at bigyan nʼyo ng katarungan ang mga namumuhay nang matuwid. Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakan ng mga mapagmataas o itaboy ng mga masasama. Ang masasamang tao ay mapapahamak nga. Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon.
Mga Awit 36:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan. Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran. Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag. Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso. Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan, at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama. Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.
Mga Awit 36:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling; dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling. Masama ang binabalak samantalang nahihimlay, masama rin ang ugali, at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay. Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan. Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay. O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag, ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak. Sa pagkain ay sagana sa sarili mong tahanan; doon sila umiinom sa batis ng kabutihan. Sa iyo rin nagmumula silang lahat na may buhay, ang liwanag na taglay mo ang sa amin ay umaakay. Patuloy mong kalingain ang sa iyo'y umiibig, patuloy mong pagpalain ang may buhay na matuwid. Ang palalo'y huwag tulutan na ako ay salakayin, o ang mga masasamang gusto akong palayasin. Lahat silang masasama'y masdan ninyo at nagupo! Sa kanilang binagsakan, hindi sila makatayo.
Mga Awit 36:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, Na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; Siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; Hindi niya kinayayamutan ang kasamaan. Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: Ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: Ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; At iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran. Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay: Sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag. Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: At ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso. Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan, At huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama. Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: Sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.