Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 36

36
Salmo 36#36 Salmo 36 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang Salmo ni David, ang lingkod ng Dios. Para sa direktor ng mga mang-aawit.
Ang Kasamaan ng Tao at ang Kabutihan ng Dios
1Pumapasok sa puso ng masamang tao ang tukso ng pagsuway,
kaya wala man lang siyang takot sa Dios.
2Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili,
hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan para kamuhian ito.
3Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan.
Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan.
4Kahit siyaʼy nakahiga, nagpaplano siya ng masama.
Napagpasyahan niyang gumawa ng hindi mabuti,
at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.
5 Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatan
ay umaabot hanggang sa kalangitan.
6Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan.
Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan.
Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon.
7Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Dios!
Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo,
tulad ng pagkalinga ng inahing manok
sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak.
8Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila ng masaganang handa,
at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan.
9Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay.
Pinapaliwanagan nʼyo kami,
at naliliwanagan ang aming isipan.
10Patuloy nʼyong ibigin ang mga kumikilala sa inyo,
at bigyan nʼyo ng katarungan ang mga namumuhay nang matuwid.
11Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakan ng mga mapagmataas
o itaboy ng mga masasama.
12Ang masasamang tao ay mapapahamak nga.
Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 36: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in