Mga Awit 30:3-12
Mga Awit 30:3-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hinango mo ako mula sa libingan, at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay. Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan! Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak. Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag, “Kailanma'y hindi ako matitinag.” Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan, tulad sa isang muog sa kabundukan. Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan. Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan, nagsumamo na ako ay tulungan: “Anong halaga pa kung ako'y mamamatay? Anong pakinabang kung malibing sa hukay? Makakapagpuri ba ang mga walang buhay? Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan? Pakinggan mo ako, Yahweh, at kahabagan, O Yahweh, ako po sana'y tulungan!” Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.
Mga Awit 30:3-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong bumaba sa hukay. Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan. Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; Ang kaniyang paglingap ay habang buhay: Pagiyak ay magtatagal ng magdamag, Nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: Hindi ako makikilos kailan man. Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.
Mga Awit 30:3-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan. Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay. Umawit kayo ng mga papuri sa PANGINOON, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan. Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya. Sa panahon ng aking kaginhawahan ay sinabi ko, “Wala akong pangangambahan.” Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, PANGINOON. Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok. Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo. Tumawag ako sa inyo, PANGINOON, at nanalangin ng ganito: “Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan? PANGINOON, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, PANGINOON!” Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. PANGINOON kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.
Mga Awit 30:3-12 Ang Biblia (TLAB)
Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan. Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man. Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.
Mga Awit 30:3-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)