Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan. Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay. Umawit kayo ng mga papuri sa PANGINOON, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan. Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya. Sa panahon ng aking kaginhawahan ay sinabi ko, “Wala akong pangangambahan.” Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, PANGINOON. Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok. Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo. Tumawag ako sa inyo, PANGINOON, at nanalangin ng ganito: “Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan? PANGINOON, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, PANGINOON!” Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. PANGINOON kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.
Basahin Salmo 30
Makinig sa Salmo 30
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 30:3-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas