Mga Awit 147:1-20
Mga Awit 147:1-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod. Ang lunsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik, sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig. At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan. Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin, isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring. Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas, ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak. Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin. Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay. Hindi siya nalulugod sa kabayong malalakas, kahit mga piling kawal hindi siya nagagalak. Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis, sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig. Purihin si Yahweh, mga taga-Jerusalem! Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Zion! Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat. Ginagawang mapayapa ang iyong hangganan, sa kaloob niyang trigo, bibigyan kang kasiyahan. Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak, para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag. Mga yelong buo-buo, sinlaki ng munting bato, lumalagpak, na ang lamig di matiis kahit sino. Ang yelo ay natutunaw, sa isa lang niyang utos, umiihip ang hangin at ang tubig ay umaagos. Kay Jacob niya ibinigay ang lahat ng tagubilin, ang tuntuni't mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Mga Awit 147:1-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin ang PANGINOON! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin. Itinatayong muli ng PANGINOON ang Jerusalem, at muli niyang tinitipon ang mga nabihag na Israelita. Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat. Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalaman at ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan. Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan. Tinutulungan ng PANGINOON ang mga inaapi, ngunit nililipol niya nang lubos ang masasama. Umawit kayo ng pasasalamat sa PANGINOON. Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Dios. Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan, at pinauulanan niya ang mundo, at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan. Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at ang mga inakay na uwak kapag dumadaing ang mga ito. Hindi siya nalulugod sa lakas ng mga kabayo o sa kagitingan ng mga kawal. Ang PANGINOON ay nalulugod sa mga may takot sa kanya at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig. Purihin ninyo ang PANGINOON na inyong Dios, kayong mga naninirahan sa Zion, ang bayan ng Jerusalem! Dahil pinatitibay niya ang pintuan ng inyong bayan, at kayoʼy kanyang pinagpapala. Binibigyan niya ng kapayapaan ang inyong lugar, at binubusog niya kayo ng pinakamabuting trigo. Inuutusan niya ang mundo, at agad naman itong sumusunod. Inilalatag niya sa lupa ang nyebe na parang mga puting kumot, at ikinakalat na parang abo. Nagpapadala siya ng ulan na yelo na parang maliliit na bato. Kahit sino ay walang makatagal sa lamig nito. Sa kanyang utos, ang yelo ay natutunaw. Pinaiihip niya ang hangin, at ang yelo ay nagiging tubig na umaagos. Ipinahayag niya ang kanyang mga salita, mga tuntunin at mga utos sa mga taga-Israel na lahi ni Jacob. Hindi niya ito ginawa sa ibang mga bansa; hindi nila alam ang kanyang mga utos.
Mga Awit 147:1-20 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod. Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel. Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat. Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan. Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan, Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama. Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios: Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao. Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob. Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion. Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo. Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo. Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi. Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo. Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon? Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos. Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel. Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga Awit 147:1-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod. Ang lunsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik, sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig. At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan. Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin, isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring. Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas, ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak. Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin. Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay. Hindi siya nalulugod sa kabayong malalakas, kahit mga piling kawal hindi siya nagagalak. Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis, sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig. Purihin si Yahweh, mga taga-Jerusalem! Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Zion! Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat. Ginagawang mapayapa ang iyong hangganan, sa kaloob niyang trigo, bibigyan kang kasiyahan. Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak, para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag. Mga yelong buo-buo, sinlaki ng munting bato, lumalagpak, na ang lamig di matiis kahit sino. Ang yelo ay natutunaw, sa isa lang niyang utos, umiihip ang hangin at ang tubig ay umaagos. Kay Jacob niya ibinigay ang lahat ng tagubilin, ang tuntuni't mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Mga Awit 147:1-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; Sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod. Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; Kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel. Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, At tinatalian niya ang kanilang mga sugat. Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan. Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; Ang kaniyang unawa ay walang hanggan, Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama. Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios: Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao. Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob. Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion. Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo. Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo. Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi. Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo. Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon? Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos. Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel. Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon.