Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 147

147
Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.
1Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't #Awit 92:1. mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
# Awit 135:3. Sapagka't maligaya, at ang pagpuri #Awit 33:1. ay nakalulugod.
2 # Awit 102:16. Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga #Deut. 30:3; Ezek. 39:28. natapon na Israel.
3 # Awit 51:17. Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4 # Gen. 15:5; Is. 40:26. Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6 # Awit 146:8, 9. Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 # Job 38:26, 28; Awit 104:14. Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9 # Job 39:3; Awit 104:27; Mat. 6:26. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 # Awit 33:17; Os. 1:7. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 # Is. 60:17, 18. Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
# Awit 132:15. Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 # Job 37:6. Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 # Job 37:10. Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 # Deut. 33:2. Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
# Mat. 3:4. Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 # Deut. 4:32, 33, 34. Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 147: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in