Mga Awit 130:5-8
Mga Awit 130:5-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa sa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga. Magtiwala ka, Israel, magtiwala ka kay Yahweh, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nakahandang sa sinuman ay tumubos. Ililigtas ang Israel, bansang kanyang minamahal, ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.
Mga Awit 130:5-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga. Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa PANGINOON, dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas. Siya ang magliligtas sa inyo sa lahat ng inyong mga kasalanan.
Mga Awit 130:5-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, At sa kaniyang salita ay umaasa ako. Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. At kaniyang tutubusin ang Israel Sa lahat niyang kasamaan.
Mga Awit 130:5-8 Ang Biblia (TLAB)
Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.
Mga Awit 130:5-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)