Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 130

130
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
1Mula sa #Awit 69:2, 14; Panag. 3:55; Jon. 2:2. mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3Kung ikaw, Panginoon, #Job 10:14; Awit 90:8. magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong #Awit 76:7; 143:2. tatayo?
4Nguni't may #Ex. 34:7; Awit 86:5; Is. 55:7. kapatawarang taglay ka,
# 1 Hari 8:40. Upang ikaw ay katakutan.
5 # Awit 40:1; Is. 26:8. Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At #Awit 119:81. sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng #Awit 119:47. aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7Oh Israel, #Awit 131:3. umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 # Awit 25:22; 103:3, 4; Mat. 1:21. At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 130: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya