Mga Awit 130:5-6
Mga Awit 130:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa sa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga.
Mga Awit 130:5-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.
Mga Awit 130:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
Mga Awit 130:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa sa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga.