Mga Awit 112:1-3
Mga Awit 112:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin ang PANGINOON! Mapalad ang taong may takot sa PANGINOON at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos. Ang mga anak niya ay magiging matagumpay, dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain. Yayaman ang kanyang sambahayan, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.
Mga Awit 112:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala. Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan.
Mga Awit 112:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Mga Awit 112:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala. Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan.
Mga Awit 112:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.