Mga Awit 109:6-31
Mga Awit 109:6-31 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Lagyan mo ng masamang tao siya: At tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan. Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; At maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin. Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan. Maulila nawa ang kaniyang mga anak, At mabao ang kaniyang asawa. Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho. Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; At samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa. Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila. Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan. Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina, Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, Upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa. Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, Kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, At ang may bagbag na puso, upang patayin. Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya; At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya. Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, At parang langis sa kaniyang mga buto. Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi. Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa. Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang. Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: Pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo. Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob: Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay; Na ikaw, Panginoon, ang may gawa. Sumumpa sila, nguni't magpapala ka: Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, Nguni't ang iyong lingkod ay magagalak. Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal. Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan. Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, Upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.
Mga Awit 109:6-31 Ang Biblia (TLAB)
Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan. Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin. Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan. Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa. Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho. Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa. Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila. Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan. Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina, Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa. Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, at ang may bagbag na puso, upang patayin. Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya; at hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya. Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto. Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi. Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa. Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang. Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo. Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob: Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay; na ikaw, Panginoon, ang may gawa. Sumumpa sila, nguni't magpapala ka: pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, nguni't ang iyong lingkod ay magagalak. Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal. Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan. Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.
Mga Awit 109:6-31 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang itapat mo sa kanya'y masama ring tulad niya, kaaway ang pausigin, nang magtamo ng parusa, pagkatapos na malitis, bayaan mo na magdusa, kahit siya manalangin, huwag mo nang dinggin pa. Ang dapat ay paikliin tinataglay niyang buhay, kuhanin ng ibang tao maging kanyang katungkulan. Silang mga anak niya ay dapat na maulila, hayaan mong maging biyuda, itong giliw nilang ina. Bayaan ang mga supling, maglakad at mamalimos, sa nawasak na tahanan palayasin silang lubos. Ang lahat ng yaman niya'y ilitin ng nagpautang, agawin ng ibang tao, ang bunga ng pagpapagal. Hindi siya nararapat kahabagan nino pa man, kahit anak na ulila sa hirap ay pabayaan. Pati angkan niya't lahi, ay bayaang mamatay, sa sunod na lahi niya, ngalan niya ay maparam. Gunitain sana ni Yahweh ang sala ng kanyang angkan, at ang sala nitong ina ay di dapat malimutan. Huwag din sanang malimutan ni Yahweh ang sala nila, ngunit sila naman mismo ay dapat na malimot na! Pagkat mga taong iyo'y wala namang natulungan, bagkus pa ang mahirap inuusig, pinapatay. Mahilig sa pagsumpa, kaya dapat na sumpain, yamang ayaw na magpala, di dapat pagpalain. Ang pagsumpa sa kapwa sa kanya ay parang damit, kasuotang oras-oras nagagawa ang magbihis; sana'y siya ang ginawin, katulad ng nasa tubig tumagos sa buto niya, iyong sumpang parang langis. Sana'y maging kasuotang nakabalot sa katawan, na katulad ng sinturong nakabigkis araw-araw. Ang ganitong kaaway ko, Yahweh, iyong parusahan, sa dami ng ginagawa't sinasabing kasamaan. Katulad ng pangako mo, Yahweh, ako ay tulungan, yamang ika'y mapagmahal, ako'y ipagtanggol naman. Pagkat ako ay mahirap, laging nangangailangan, labis akong naghihirap sa ganitong kalagayan. Anino ang katulad ko na kung gabi'y nawawala, parang balang na lumipad, kapag ako ay inuga. Mahina na ang tuhod ko, dahilan sa di pagkain, payat na ang katawan ko, buto't balat sa paningin. Ang sinumang makakita sa akin ay nagtatawa, umiiling silang lahat kapag ako'y nakikita. Tulungan mo ako, Yahweh, sana naman ay iligtas, dahilan sa pag-ibig mong matatag at di kukupas. Bayaan mong makilala na ikaw ang nahahabag, ipakita sa kaaway na ikaw ang nagliligtas. Ako'y iyong pagpalain, kung kanilang sinusumpa, sa kanilang pag-uusig bayaan mong mapahiya; ako namang iyong lingkod mabubuhay na may tuwa. Silang mga nang-uusig, bayaan mong mabahala, ang damit ng kahihiyan, isuot mo sa kanila. Kay Yahweh ay buong puso akong magpapasalamat, sa gitna ng karamiha'y magpupuri akong ganap; pagkat siya'y laging handang tumulong sa mahihirap, na lagi nang inuusig at ang gusto'y ipahamak.
Mga Awit 109:6-31 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinasabi nila, “Maghanap tayo ng masamang tao na kakalaban sa kanya, at magsasampa ng kaso sa hukuman laban sa kanya. At kapag hinatulan na siya, lumabas sana na siya ang may kasalanan, at ituring din na kasalanan ang kanyang mga panalangin. Mamatay na sana siya agad at ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya. At nang maulila ang kanyang mga anak at mabiyuda ang kanyang asawa. Maging palaboy sana at mamalimos ang kanyang mga anak at palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan. Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian, at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan. Wala sanang maawa sa kanya at sa mga naulila niyang mga anak kapag namatay na siya. Mamatay sana ang kanyang mga angkan upang silaʼy makalimutan na ng susunod na salinlahi. Huwag sanang patawarin at kalimutan ng PANGINOON ang mga kasalanan ng kanyang mga magulang at mga ninuno; at lubusan na sana silang makalimutan sa mundo. Dahil hindi niya naiisip na gumawa ng mabuti, sa halip ay inuusig at pinapatay niya ang mga dukha, ang mga nangangailangan at ang mga nawalan ng pag-asa. Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi. Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain. Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot. Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan, at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto. Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanya na parang damit na nakasuot sa katawan o sinturon na palaging nakabigkis.” PANGINOON, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusa sa mga nagbibintang at nagsasalita ng masama laban sa akin. Ngunit Panginoong DIOS, tulungan nʼyo ako upang kayo ay maparangalan. Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal. Dahil akoʼy dukha at nangangailangan, at ang damdamin koʼy nasasaktan. Unti-unti nang nawawala ang aking buhay. Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi, at parang balang na lumilipad at nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno. Akoʼy payat na payat na. Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway. Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita. PANGINOON kong Dios, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin. At malalaman ng aking mga kaaway na kayo PANGINOON ang nagligtas sa akin. Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako. Mapapahiya sila kapag sinalakay nila ako ngunit ako na inyong lingkod ay magagalak. Silang nagbibintang sa akin ay lubusan sanang mapahiya, mabalot sana sila sa kahihiyan tulad ng damit na tumatakip sa buong katawan. Pupurihin ko ang PANGINOON, pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao. Dahil tinutulungan niya ang mga dukha upang iligtas sila sa mga nais magpahamak sa kanila.
Mga Awit 109:6-31 Ang Biblia (TLAB)
Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan. Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin. Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan. Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa. Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho. Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa. Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila. Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan. Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina, Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa. Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, at ang may bagbag na puso, upang patayin. Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya; at hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya. Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto. Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi. Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa. Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang. Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo. Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob: Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay; na ikaw, Panginoon, ang may gawa. Sumumpa sila, nguni't magpapala ka: pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, nguni't ang iyong lingkod ay magagalak. Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal. Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan. Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.
Mga Awit 109:6-31 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)