Mga Awit 105:3-4
Mga Awit 105:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Mga Awit 105:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa PANGINOON. Magtiwala kayo sa PANGINOON, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.
Mga Awit 105:3-4 Ang Biblia (TLAB)
Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
Mga Awit 105:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)