Mga Kawikaan 5:15-20
Mga Kawikaan 5:15-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, At sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, At mga agos ng tubig sa mga lansangan? Maging iyong magisa, At huwag sa di kilala na kasama mo. Pagpalain ang iyong bukal; At magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, Bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; At laging malugod ka sa kaniyang pagibig. Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, At yayakap sa sinapupunan ng di kilala?
Mga Kawikaan 5:15-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang. Kung ika'y magkaanak sa babaing di asawa, walang buting idudulot, manapa nga ay balisa. Anak mo'y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan, upang hindi do'n sa iba iasa ang iyong buhay. Kaya nga ba't mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan. Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit, ligaya mo'y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib. Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit, ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik.
Mga Kawikaan 5:15-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dapat sa asawa mo lang ikaw sumiping. Kung baga sa tubig, doon ka lang sa sarili mong balon kumuha ng iyong iinumin. Dahil baka magtaksil din sa iyo ang iyong asawa. Dapat ang mag-asawa ay para lamang sa isaʼt isa at huwag makihati sa iba. Maging maligaya ka sa iyong asawa, na napangasawa mo noong iyong kabataan. Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa. Sana ay lagi kang lumigaya sa kanyang dibdib at maakit sa kanyang pag-ibig. Anak, huwag kang paaakit sa malaswang babae o hipuin man ang kanyang dibdib.
Mga Kawikaan 5:15-20 Ang Biblia (TLAB)
Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan? Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo. Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig. Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?
Mga Kawikaan 5:15-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)