Mga Kawikaan 5:15-17
Mga Kawikaan 5:15-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, At sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, At mga agos ng tubig sa mga lansangan? Maging iyong magisa, At huwag sa di kilala na kasama mo.
Mga Kawikaan 5:15-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang. Kung ika'y magkaanak sa babaing di asawa, walang buting idudulot, manapa nga ay balisa. Anak mo'y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan, upang hindi do'n sa iba iasa ang iyong buhay.
Mga Kawikaan 5:15-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dapat sa asawa mo lang ikaw sumiping. Kung baga sa tubig, doon ka lang sa sarili mong balon kumuha ng iyong iinumin. Dahil baka magtaksil din sa iyo ang iyong asawa. Dapat ang mag-asawa ay para lamang sa isaʼt isa at huwag makihati sa iba.
Mga Kawikaan 5:15-17 Ang Biblia (TLAB)
Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan? Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.
Mga Kawikaan 5:15-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)