Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 30:11-23

Mga Kawikaan 30:11-23 Ang Biblia (TLAB)

May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama. At hindi pinagpapala ang kanilang ina. May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan. May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas. May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao. Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, siya na: Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na. Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila. May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman: Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga. Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan. Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala: Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain; Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.

Mga Kawikaan 30:11-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama. At hindi pinagpapala ang kanilang ina. May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, At gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan. May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas. May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, Upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao. Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, Bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, Siya na: Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; Ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; At ang apoy na hindi nagsasabi, Siya na. Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, At humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, Tutukain ito ng mga uwak sa libis, At kakanin ito ng mga inakay na aguila. May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman: Ang lipad ng aguila sa hangin; Ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; Ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; At ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga. Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; Siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, At nagsasabi, Hindi ako gumawa ng kasamaan. Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, At sa apat na hindi niya madala: Sa isang alipin, pagka naghahari; At sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain; Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; At sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.