May mga anak na hindi nananalangin sa Dios na pagpalain ang kanilang mga magulang, sa halip sinusumpa pa nila sila. May mga tao na ang tingin sa sarili ay tunay na perpekto, ngunit ang totoo ang buhay nila ay madumi. May mga taong mapagmataas na kung tumingin akala mo kung sino. May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit. Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, “Bigyan mo ako!” May apat na bagay na hindi kontento: ang libingan, ang babaeng baog, ang lupang walang tubig, at ang apoy. Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya. May apat na bagay na para sa akin ay kahanga-hanga at hindi ko maunawaan: Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan, kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan, kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan, at ang pamamaraan ng lalaki sa babae. Ganito ang ginagawa ng babaeng nagtataksil sa kanyang asawa: Sumisiping siya sa ibang lalaki pagkatapos sasabihin niyang wala siyang ginagawang masama. May apat na bagay na hindi matanggap ng mga tao sa mundo: Ang aliping naging hari, ang mangmang na sagana sa pagkain, ang babaeng masungit na nakapag-asawa, at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.
Basahin Kawikaan 30
Makinig sa Kawikaan 30
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Kawikaan 30:11-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas