Mga Kawikaan 21:7-8
Mga Kawikaan 21:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan, pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran. Ang landas ng may sala ay paliku-liko, ngunit ang lakad ng matuwid ay laging wasto.
Mga Kawikaan 21:7-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang karahasan ng masasama ang magpapahamak sa kanila, sapagkat ayaw nilang gawin ang tama. Hindi matuwid ang gawain ng taong may kasalanan, ngunit matuwid ang gawain ng taong walang kasalanan.
Mga Kawikaan 21:7-8 Ang Biblia (TLAB)
Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila; sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan. Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko; nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.