Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 21

21
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
1Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis:
Kumikiling saan man niya ibigin.
2 # Kaw. 24:14. Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.
3 # 1 Sam. 15:22; Is. 1:11; Os. 6:6; Mik. 6:7, 8. Gumawa ng kaganapan at kahatulan
Ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.
4 # Kaw. 6:17. Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso,
Siyang ilaw ng masama, ay kasalanan.
5Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang:
Nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.
6 # Kaw. 10:2; 13:11. Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila
Ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.
7Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila;
Sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan.
8Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko;
Nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.
9 # Kaw. 19:13. Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan,
Kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.
10 # Sant. 4:5. Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan:
Ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata.
11 # Kaw. 19:25. Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas:
At pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman.
12Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama,
Kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara.
13 # Mat. 18:30-34. Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha,
Siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
14Ang #Kaw. 17:8. kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit,
At ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot.
15Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan;
Nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
16Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan,
# Awit 49:14. Magpapahinga sa kapisanan ng patay.
17Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha:
Ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.
18 # Is. 43:3; Kaw. 11:8. Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid,
At ang taksil ay sa lugar ng matuwid.
19 # tal. 9. Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain,
Kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.
20May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas;
Nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang.
21 # Kaw. 15:9; Mat. 5:6. Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob
Nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.
22Sinasampa ng pantas ang #Ec. 9:14, 15. bayan ng makapangyarihan,
At ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon.
23 # Awit 141:3; Sant. 3:2. Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila
Nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.
24Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan,
Siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.
25 # Kaw. 13:4. Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya;
Sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.
26May nagiimbot sa kasakiman buong araw:
Nguni't ang #Awit 37:26; Mat. 5:42; Ef. 4:38. matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait.
27Ang hain ng masama ay karumaldumal:
Gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
28Ang sinungaling na saksi ay mamamatay:
Nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.
29Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha;
Nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.
30 # Is. 8:9, 10. Walang karunungan, o kaunawaan man,
O payo man laban sa Panginoon.
31 # Awit 33:17. Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka:
Nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA KAWIKAAN 21: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya