Mga Kawikaan 21:12-13
Mga Kawikaan 21:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama, at siya'y gumagawa ng paraan upang sila'y mapariwara. Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.
Mga Kawikaan 21:12-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Alam ng matuwid na Dios kung ano ang ginagawa ng sambahayan ng masasama, at parurusahan niya sila. Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap, kapag siya naman ang dumaing ay walang lilingap.
Mga Kawikaan 21:12-13 Ang Biblia (TLAB)
Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama, kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara. Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.