Mga Kawikaan 14:25-35
Mga Kawikaan 14:25-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: Nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya. Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: At ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, Upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan. Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: Nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo. Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: Nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan. Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: Nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto. Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa May-lalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya. Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: Nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan. Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: Nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman. Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: Nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan. Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan: Nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.
Mga Kawikaan 14:25-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit ang salita ng sinungaling ay pawang kataksilan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay bukal ng buhay, at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan. Ang karangalan ng hari ay nasa dami ng nasasakupan, ngunit walang kabuluhan ang pinunong walang tauhan. Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan. Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay, ngunit ang kapusukan ay nagbibigay ng kapahamakan. Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan. Ang masama ay ibinabagsak ng sariling kasamaan, ngunit ang kanlungan ng matuwid ay ang kanyang kabutihan. Sa isip ng may unawa ang nananahan ay karunungan, ngunit ang mangmang ay walang kaalaman. Ang katuwiran ay nagpapadakila sa isang bayan, ngunit ang kasalanan naman ay nagdudulot ng kahihiyan. Sa matalinong alipin, ang amo ay nalulugod, ngunit sa utusang walang isip siya ay napopoot.
Mga Kawikaan 14:25-35 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit taksil ang saksing sinungaling. Ang taong may takot sa PANGINOON ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan. Ang pagkatakot sa PANGINOON ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at maglalayo sa iyo sa kamatayan. Ang kapangyarihan ng isang hari ay nasa dami ng kanyang nasasakupan, ngunit kung walang tauhan tiyak ang kanyang kapahamakan. Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan. Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto. Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Dios na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Dios. Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadios. Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang nalalamang kahit ano tungkol sa karunungan. Ang matuwid na pamumuhay ng mamamayan ay nagpapaunlad ng kanilang bansa, ngunit kung sila ay magkasala, mapapahiya ang kanilang bansa. Sa matalinong lingkod ang hari ay nalulugod, ngunit sa hangal na lingkod siya ay napopoot.
Mga Kawikaan 14:25-35 Ang Biblia (TLAB)
Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya. Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan. Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo. Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan. Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto. Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya. Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan. Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman. Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan. Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan: nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.
Mga Kawikaan 14:25-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)