Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit ang salita ng sinungaling ay pawang kataksilan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay bukal ng buhay, at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan. Ang karangalan ng hari ay nasa dami ng nasasakupan, ngunit walang kabuluhan ang pinunong walang tauhan. Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan. Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay, ngunit ang kapusukan ay nagbibigay ng kapahamakan. Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan. Ang masama ay ibinabagsak ng sariling kasamaan, ngunit ang kanlungan ng matuwid ay ang kanyang kabutihan. Sa isip ng may unawa ang nananahan ay karunungan, ngunit ang mangmang ay walang kaalaman. Ang katuwiran ay nagpapadakila sa isang bayan, ngunit ang kasalanan naman ay nagdudulot ng kahihiyan. Sa matalinong alipin, ang amo ay nalulugod, ngunit sa utusang walang isip siya ay napopoot.
Basahin Mga Kawikaan 14
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 14:25-35
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas