Mga Kawikaan 14:1-12
Mga Kawikaan 14:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay, ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan. Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran, ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan. Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa, kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya. Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman, datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan. Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling. Ang mangmang ay nag-aaral pero hindi matuto, ngunit madaling maturuan ang taong may talino. Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang, pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman. Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa, ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa. Kinukutya ng mga hangal ang handog na pambayad sa kasalanan, ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban. Walang makikihati sa kabiguan ng tao, gayon din naman sa ligayang nadarama nito. Ang bahay ng masama ay sadyang mawawasak, ngunit ang tolda ng matuwid ay hindi babagsak. May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Mga Kawikaan 14:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang marunong na babae ay pinatatatag ang kanyang sambahayan, ngunit ang hangal na babae ay sinisira ang kanyang sariling tahanan. Ang taong namumuhay sa katuwiran ay may takot sa PANGINOON, ngunit ang namumuhay sa kasamaan ay humahamak sa kanya. Ang salita ng hangal ang magpapasama sa kanya, ngunit ang salita ng marunong ang mag-iingat sa kanya. Kapag wala kang hayop na pang-araro wala kang aanihin, ngunit kung may hayop ka, at malakas pa, marami ang iyong aanihin. Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit pawang kasinungalingan ang sinasabi ng saksing sinungaling. Ang taong nangungutya ay hindi magkakaroon ng karunungan kahit ano pa ang kanyang gawin, ngunit ang taong may pang-unawa ay madaling matututo. Iwasan mo ang mga hangal dahil wala kang mabuting matututunan sa kanila. Ang karunungan ng taong marunong umunawa kung ano ang tama at mali ang nagbibigay sa kanya ng kaalaman kung ano ang kanyang gagawin, ngunit ang kahangalan ng taong hangal ang magliligaw sa kanya. Balewala sa mga hangal ang makagawa ng kasalanan, ngunit ang taong matuwid ay gustong maging kalugod-lugod sa Dios. Ikaw lamang ang nakakaalam ng iyong kabiguan at kagalakan. Mawawasak ang tahanan ng taong masama, ngunit uunlad ang tahanan ng taong matuwid. Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang dulo nito.
Mga Kawikaan 14:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay. Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon: nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya. Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon. Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka. Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan. Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa. Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman: Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan. Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban. Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan. Ang bahay ng masama ay mababagsak: nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad. May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
Mga Kawikaan 14:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay, ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan. Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran, ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan. Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa, kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya. Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman, datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan. Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling. Ang mangmang ay nag-aaral pero hindi matuto, ngunit madaling maturuan ang taong may talino. Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang, pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman. Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa, ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa. Kinukutya ng mga hangal ang handog na pambayad sa kasalanan, ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban. Walang makikihati sa kabiguan ng tao, gayon din naman sa ligayang nadarama nito. Ang bahay ng masama ay sadyang mawawasak, ngunit ang tolda ng matuwid ay hindi babagsak. May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Mga Kawikaan 14:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: Nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay. Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon: Nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya. Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: Nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon. Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: Nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka. Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: Nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan. Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: Nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa. Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, At hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman: Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad: Nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan. Ang mangmang ay tumutuya sa sala: Nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban. Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; At ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan. Ang bahay ng masama ay mababagsak: Nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad. May daan na tila matuwid sa isang tao, Nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.