Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 14:1-12

Mga Kawikaan 14:1-12 MBB05

Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay, ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan. Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran, ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan. Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa, kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya. Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman, datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan. Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling. Ang mangmang ay nag-aaral pero hindi matuto, ngunit madaling maturuan ang taong may talino. Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang, pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman. Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa, ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa. Kinukutya ng mga hangal ang handog na pambayad sa kasalanan, ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban. Walang makikihati sa kabiguan ng tao, gayon din naman sa ligayang nadarama nito. Ang bahay ng masama ay sadyang mawawasak, ngunit ang tolda ng matuwid ay hindi babagsak. May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Kawikaan 14:1-12