Marcos 1:12-13
Marcos 1:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos, sa kapangyarihan ng Espiritu, si Jesus ay pumunta sa ilang. Nanatili siya roon nang apatnapung araw, at doo'y tinukso siya ni Satanas. Doon ay may mababangis na hayop ngunit si Jesus ay pinaglingkuran ng mga anghel.
Marcos 1:12-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
At noon din ay pinapunta siya ng Banal na Espiritu sa ilang. Nanatili siya roon ng 40 araw na tinutukso ni Satanas. May mababangis na hayop doon, pero tinulungan si Jesus ng mga anghel.
Marcos 1:12-13 Ang Biblia (TLAB)
At pagdaka'y itinaboy siya ng Espiritu sa ilang. At siya'y nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas; at kasama siya ng mga ganid; at pinaglingkuran siya ng mga anghel.
Marcos 1:12-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)