Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 1:40-55

Lucas 1:39-55 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Makalipas ang ilang araw, gumayak si Maria at nagmamadaling pumunta sa isang bayang bulubundukin sa Judea, sa bahay ni Zacarias. Pagdating doon ay binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. Mapalad ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon!” At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal! Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, at naalala ito upang kanyang kahabagan. Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

Lucas 1:40-55 Ang Salita ng Dios (ASND)

Pagdating niya sa bahay nina Zacarias, binati niya si Elizabet. Nang marinig ni Elizabet ang pagbati ni Maria, naramdaman niyang gumalaw nang malakas ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Napuspos ng Banal na Espiritu si Elizabet at malakas niyang sinabi, “Higit kang pinagpala ng Dios sa lahat ng babae, at pinagpala rin niya ang magiging anak mo! Isang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon. Nang marinig ko ang pagbati mo sa akin, gumalaw nang malakas sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko. Mapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon.” At sinabi ni Maria, “Buong puso kong pinupuri ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas! Sapagkat inalala niya ako na kanyang abang lingkod. Mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng henerasyon, dahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Dios. Banal siya! Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya sa bawat henerasyon. Ipinakita niya ang dakila niyang mga gawa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Itinaboy niya ang mga taong mataas ang tingin sa sarili. Ibinagsak niya ang mga makapangyarihang hari mula sa kanilang mga trono, at itinaas niya ang mga nasa mababang kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit pinaalis niya na walang dala ang mayayaman. Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod. Sapagkat hindi niya kinalimutan ang kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, na kaaawaan niya sila magpakailanman.”

Lucas 1:40-55 Ang Biblia (TLAB)

At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo; At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan. At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin? Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. At mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon. At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas. Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi. Sapagka't ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay; At banal ang kaniyang pangalan. At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya. Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso. Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan. Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman. Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa (Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.

Lucas 1:39-55 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Makalipas ang ilang araw, gumayak si Maria at nagmamadaling pumunta sa isang bayang bulubundukin sa Judea, sa bahay ni Zacarias. Pagdating doon ay binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. Mapalad ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon!” At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal! Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, at naalala ito upang kanyang kahabagan. Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

Lucas 1:40-55 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)