Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 3:1-24

Mga Panaghoy 3:1-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng PANGINOON dahil sa kanyang galit. Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag. Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi. Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto. Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa. Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay. Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas. Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan. Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan. Para siyang oso o leon na nag-aabang upang salakayin ako. Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan. Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin. Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko. Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya. Pinuno niya ako ng labis na kapaitan. Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa. Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan. Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa PANGINOON. Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”

Mga Panaghoy 3:1-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos. Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag. Walang awa niya akong hinahampas sa buong maghapon. Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas. Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap, at kahit saan ako bumaling ay may pader na nakaharang. Siya'y parang osong nag-aabang sa akin; at parang leong nag-aantay. Hinabol niya ako saka niluray; at iniwang nakahandusay. Iniakma niya ang kanyang pana, at ako ang ginawang tudlaan. Tinamaan ako sa aking puso ng kanyang mga palaso. Buong araw ako'y pinagtatawanan; sa mga kwentuhan ako ay biruan. Pawang kapaitan at kalungkutan ang ipinalasap niya sa akin. Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig. Naglaho sa akin ang bakas ng kalusugan, maging kapayapaan at kaligayahan man. Kaya't sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh.” Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Mga Panaghoy 3:1-24 Ang Biblia (TLAB)

Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot. Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag. Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw. Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto. Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam. Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon. Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala. Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing. Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas. Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako. Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako; Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana. Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan. Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw. Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo. Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo. At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.

Mga Panaghoy 3:1-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos. Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag. Walang awa niya akong hinahampas sa buong maghapon. Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas. Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap, at kahit saan ako bumaling ay may pader na nakaharang. Siya'y parang osong nag-aabang sa akin; at parang leong nag-aantay. Hinabol niya ako saka niluray; at iniwang nakahandusay. Iniakma niya ang kanyang pana, at ako ang ginawang tudlaan. Tinamaan ako sa aking puso ng kanyang mga palaso. Buong araw ako'y pinagtatawanan; sa mga kwentuhan ako ay biruan. Pawang kapaitan at kalungkutan ang ipinalasap niya sa akin. Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig. Naglaho sa akin ang bakas ng kalusugan, maging kapayapaan at kaligayahan man. Kaya't sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh.” Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Mga Panaghoy 3:1-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamtahi sa pamalo ng iyong poot. Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag. Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto. Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam. Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon. Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala. Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing. Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas. Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako. Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako; Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana. Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan. Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw. Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo. Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo. At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.