Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng PANGINOON dahil sa kanyang galit. Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag. Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi. Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto. Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa. Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay. Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas. Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan. Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan. Para siyang oso o leon na nag-aabang upang salakayin ako. Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan. Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin. Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko. Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya. Pinuno niya ako ng labis na kapaitan. Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa. Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan. Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa PANGINOON. Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”
Basahin Panaghoy 3
Makinig sa Panaghoy 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Panaghoy 3:1-24
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas