Job 5:6-9
Job 5:6-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang kahirapa'y hindi sa alabok nagmula, at ang kaguluha'y hindi tumutubo sa lupa. Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao, kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos, at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog. Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan, mga kababalaghan niya ay walang katapusan.
Job 5:6-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang kahirapan at kaguluhan ay hindi tumutubo sa alikabok o lupa. Likas sa tao ang gumawa ng kahirapan at kaguluhan, tulad ng alipatong mula sa apoy na lumilipad paitaas. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Dios. Sasabihin ko sa kanya ang aking kalagayan. Sapagkat gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain o bilangin.
Job 5:6-9 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan; Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas. Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap: Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang
Job 5:6-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang kahirapa'y hindi sa alabok nagmula, at ang kaguluha'y hindi tumutubo sa lupa. Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao, kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos, at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog. Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan, mga kababalaghan niya ay walang katapusan.
Job 5:6-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan; Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas. Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap: Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang