JOB 5
5
Ang makasalanan ay hindi matatag.
1Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?
At sa kanino sa mga #Job 15:15; Awit 89:5, 7. banal babalik ka?
2Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal,
At ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
3 #
Awit 37:35, 36. Aking nakita ang hangal na umuunlad:
Nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
4 #
Awit 127:5. Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan,
At #Awit 109:12. sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan,
Na wala mang magligtas sa kanila.
5Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom,
At kinukuha na mula sa mga tinik,
At ang silo ay nakabuka sa kanilang pagaari.
6Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok,
Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
7 #
Gen. 3:17, 19; 1 Cor. 10:13. Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan.
Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
8Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios,
At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
9Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita;
Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
10 #
Awit 65:9, 10. Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa,
At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
11Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas #1 Sam. 2:7. yaong nangasa mababa;
At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
12 #
Awit 33:10. Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha,
Na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
13 #
Job 18:7; 1 Cor. 3:19. Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha:
At ang payo ng suwail ay napapariwara.
14Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw,
#
Deut. 28:29. At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
15 #
Awit 112:2. Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig,
Sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
16Na anopa't ang dukha ay may pagasa,
#
Awit 107:42. At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
Ang kagalingan ng parusa.
17Narito, #Awit 94:12. maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios:
Kaya't #Kaw. 3:11. huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
18 #
Deut. 32:39. Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal;
Siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
19Kaniyang ililigtas ka sa #Awit 34:19. anim na kabagabagan.
Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
20 #
Awit 33:19. Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan;
At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
21Ikaw ay makukubli #Awit 31:20. sa talas ng dila;
Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
22Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka;
Ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
23 #
Os. 2:18. Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;
At ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
24At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan;
At iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
25Iyo rin namang makikilala na ang #Awit 112:2. iyong binhi ay magiging dakila,
At ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
26Ikaw ay #Kaw. 19:11; 10:27. darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan.
Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
27Narito, aming siniyasat, at gayon nga;
Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
Kasalukuyang Napili:
JOB 5: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982