Job 5:11-16
Job 5:11-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang nagpapakumbabá ay kanyang itinataas, ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas. Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira, kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala. Ang mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag, kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas. Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian. Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila, iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha. Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama.
Job 5:11-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Itinataas niya ang mga nagpapakumbaba at kinakalinga ang mga nagdadalamhati. Sinisira niya ang plano ng mga mandaraya, para hindi sila magtagumpay. Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan, at hinahadlangan ang plano ng mga mandaraya. Hindi sila nakakakita kahit maliwanag, at nangangapa sila na parang gabi kahit na katanghalian. Inililigtas ng Dios ang mga dukha mula sa kamatayan at sa mga taong makapangyarihan na umaapi sa kanila. Kaya may pag-asa ang mga dukha, pero ang masasama ay kanyang sinasaway.
Job 5:11-16 Ang Biblia (TLAB)
Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan. Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala. Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara. Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi. Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas. Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
Job 5:11-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang nagpapakumbabá ay kanyang itinataas, ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas. Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira, kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala. Ang mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag, kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas. Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian. Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila, iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha. Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama.
Job 5:11-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan. Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, Na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala. Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: At ang payo ng suwail ay napapariwara. Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi. Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, Sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas. Na anopa't ang dukha ay may pagasa, At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.