Job 42:1-3
Job 42:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh: “Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin. Itinatanong ninyo, ‘Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan.
Job 42:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Job sa PANGINOON, “Alam ko pong magagawa nʼyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyo. Ako poʼy tinanong nʼyo kung bakit ako nag-aalinlangan sa inyong karunungan, gayong wala naman akong nalalaman. Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na sa hindi ko lubos maunawaan.
Job 42:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya't aking sinambit na hindi ko nauunawa, mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.
Job 42:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh: “Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin. Itinatanong ninyo, ‘Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan.
Job 42:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, At wala kang akala na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya't aking sinambit na hindi ko nauuunawa, Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.