JOB 42
42
Nagsisi si Job ng kaniyang kasalanan.
1Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
2 #
Mat. 19:26. Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay,
At wala kang akala na mapipigil.
3 #
Job 38:2. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman?
Kaya't aking sinambit na hindi ko nauuunawa,
#
Awit 40:5; 131:1; 139:6. Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.
4Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita;
Ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin.
5Narinig kita sa pakikinig ng pakinig;
Nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata,
6Kaya't ako'y #Job 39:37. nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako
Sa alabok at mga abo.
Nagalab ang poot ng Panginoon sa tatlong kaibigan ni Job.
7At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay #Job 2:11. Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
8Kaya't magsikuha kayo sa inyo ngayon ng #Blg. 23:1. pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at #Sant. 5:16. idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka't siya'y aking tatanggapin, baka kayo'y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka't hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job.
9Sa gayo'y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job.
10 #
Awit 14:7; 53:6; 85:1; 139:6. At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job #Is. 40:2. na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.
11Nang magkagayo'y nagsiparoon sa kaniya ang lahat #Job 19:13. niyang mga kapatid na lalake at babae, at lahat na naging kakilala niya ng una, at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay; at nakipagdamdam sa kaniya, at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon: bawa't tao nama'y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi, at bawa't isa'y ng isang singsing na ginto.
12Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, #Sant. 5:11. ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya'y #tal. 10; Job 12:3. nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.
13 # tal. 10; Job 1:2. Siya nama'y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
14At tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima; at ang pangalan ng ikalawa, Cesiah, at ang pangalan ng ikatlo, Keren-hapuch.
15At sa buong lupain ay walang mga babaing masumpungan na totoong maganda na gaya ng mga anak na babae ni Job: #Blg. 27:1-8. at binigyan sila ng kanilang ama ng mana sa kasamahan ng kanilang mga kapatid.
16At pagkatapos nito'y nabuhay si Job na isang daan at apat na pung taon, at nakita niya ang kaniyang mga anak, at ang mga anak ng kaniyang mga anak, hanggang sa apat na saling lahi.
17Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan.
Kasalukuyang Napili:
JOB 42: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982