Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 40:6-24

Job 40:6-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job, “Tumayo ka ngayon at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi. Ako pa ba ang nais mong palabasing masama upang iyong palitawin na ikaw ang siyang tama? Ang iyong lakas ba ay katulad ng sa Diyos? Tinig mo ba'y dumadagundong, katulad ng kulog? Kung gayon, balutin mo ang sarili ng dangal at kadakilaan, magbihis ka muna ng luwalhati't kaningningan. Ibuhos mo nga ang tindi ng iyong poot, at ang mga palalo'y iyong ilugmok. Subukin mong pahiyain ang mga palalo, at ang masasama'y tapakan sa kanilang puwesto. Ibaon mo silang lahat sa ilalim ng lupa, sa daigdig ng mga patay sila'y itanikala. Kung iyan ay magawâ mo, maniniwala ako sa iyo na kaya mong magtagumpay sa sariling kakayahan mo. “Ang dambuhalang hayop ay tingnan mo, gaya mo'y nilikha ko dito sa mundo. Ito'y parang baka kung kumain ng damo. Ang lakas niya'y naiipon sa kanyang katawan; ang kapangyarihan, sa himaymay ng kanyang laman. Ang tigas ng buntot niya ay sedar ang katulad, ang kanyang mga hita'y siksik at matatag. Parang tanso ang kanyang mga buto, sintigas ng bakal ang kanyang mga braso. “Siya ay pangunahin sa mga nilikha, ngunit magagapi nang sa kanya'y lumikha. Siya'y nanginginain doon sa mga bundok, doon sa tirahan ng kapwa niya hayop. Siya'y doon lumalagi sa ilalim ng tinikan, nakatago sa gitna ng mga talahib sa putikan. Sanga ng mga puno ang sa kanya'y tumatakip, sa kanya'y nakapaligid sa tabi nitong batis. Hindi siya natatakot lumakas man ang agos; ang Jordan man ay lumalim, mahinahon pa rin kung kumilos. Siya kaya ay mahuli sa pamamagitan ng bingwit, makuha kaya siya sa ilong sa pamamagitan ng kawit?

Job 40:6-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

Muling sinabi ng PANGINOON kay Job mula sa ipu-ipo, “Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko. “Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama? Ikaw baʼy makapangyarihang tulad ko? Magagawa mo bang parang kulog ang tinig mo na katulad ng sa akin? Kung magagawa mo iyan, patunayan mo na ikaw ngaʼy makapangyarihan, marangal at dakila. Ipakita mo ang matindi mong galit sa taong mayayabang at ibagsak sila. Wasakin mo ang taong masasama sa kanilang kinatatayuan. Ilibing mo silang lahat sa lupa, sa lugar ng mga patay. Kapag nagawa mo ang mga ito, ako ang pupuri sa iyo at tatanggapin ko na may kakayahan ka ngang iligtas ang iyong sarili. “Tingnan mo ang hayop na Behemot, nilalang ko rin siya katulad mo. Kumakain ito ng damo na tulad ng baka, pero napakalakas nito, at napakatibay ng katawan. Ang buntot niyaʼy tuwid na tuwid na parang kahoy ng sedro, at ang mga hitaʼy matipuno. Ang mga buto nitoʼy kasintibay ng tubong tanso o bakal. Kahanga-hanga siya sa lahat ng aking nilalang. Pero ako na Manlilikha niya ay hindi niya matatalo. Nanginginain siya sa mga kabundukan habang naglalaro ang mga hayop sa gubat malapit sa kanya. Nagpapahinga siya sa matitinik na halamang natatabunan ng talahib. Ang mga halamang matinik at ang iba pang mga punongkahoy sa tabi ng batis ay nagiging kanlungan niya. Hindi siya natatakot kahit na rumaragasa ang tubig sa ilog. Tahimik pa rin siya kahit halos natatabunan na siya ng tubig sa Ilog ng Jordan. Sino ang makakahuli sa kanya sa pamamagitan ng pagbulag sa kanya? Sino ang makakabitag sa kanya at makakakawit sa ilong niya?

Job 40:6-24 Ang Biblia (TLAB)

Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin. Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap? O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya? Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan. Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya. Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan. Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako. Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan. Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran. Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal. Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya. Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang. Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak. Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis. Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga. May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo.

Job 40:6-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job, “Tumayo ka ngayon at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi. Ako pa ba ang nais mong palabasing masama upang iyong palitawin na ikaw ang siyang tama? Ang iyong lakas ba ay katulad ng sa Diyos? Tinig mo ba'y dumadagundong, katulad ng kulog? Kung gayon, balutin mo ang sarili ng dangal at kadakilaan, magbihis ka muna ng luwalhati't kaningningan. Ibuhos mo nga ang tindi ng iyong poot, at ang mga palalo'y iyong ilugmok. Subukin mong pahiyain ang mga palalo, at ang masasama'y tapakan sa kanilang puwesto. Ibaon mo silang lahat sa ilalim ng lupa, sa daigdig ng mga patay sila'y itanikala. Kung iyan ay magawâ mo, maniniwala ako sa iyo na kaya mong magtagumpay sa sariling kakayahan mo. “Ang dambuhalang hayop ay tingnan mo, gaya mo'y nilikha ko dito sa mundo. Ito'y parang baka kung kumain ng damo. Ang lakas niya'y naiipon sa kanyang katawan; ang kapangyarihan, sa himaymay ng kanyang laman. Ang tigas ng buntot niya ay sedar ang katulad, ang kanyang mga hita'y siksik at matatag. Parang tanso ang kanyang mga buto, sintigas ng bakal ang kanyang mga braso. “Siya ay pangunahin sa mga nilikha, ngunit magagapi nang sa kanya'y lumikha. Siya'y nanginginain doon sa mga bundok, doon sa tirahan ng kapwa niya hayop. Siya'y doon lumalagi sa ilalim ng tinikan, nakatago sa gitna ng mga talahib sa putikan. Sanga ng mga puno ang sa kanya'y tumatakip, sa kanya'y nakapaligid sa tabi nitong batis. Hindi siya natatakot lumakas man ang agos; ang Jordan man ay lumalim, mahinahon pa rin kung kumilos. Siya kaya ay mahuli sa pamamagitan ng bingwit, makuha kaya siya sa ilong sa pamamagitan ng kawit?

Job 40:6-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: Ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin. Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap? O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya? Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; At magbihis ka ng karangalan at kalakhan. Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: At tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya. Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; At iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan. Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; Talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako. Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; Na maililigtas ka ng iyong kanan. Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: Siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, At ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: Ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran. Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; Ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal. Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: Ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya. Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; Na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang. Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, Sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak. Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; Nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis. Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: Siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga. May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, O may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo?